Sentro ng Pag-aaral ng mga Family Group Tree
Iugnay ang iyong buhay na pamilya
Tipunin ang iyong pamilya sa isang grupo, at tingnan ang parehong buhay na tree. Isali ang iyong pamilya sa pagsasaliksik ng kanilang family history bilang isang team. Pagyamanin ang iyong kasaysayan sa pamamagitan ng mga larawan, kwento, at source.
Paggamit ng mga family group tree
Ang mga family group tree ay isang uri ng family group na nagtutulot sa mga pamilya na magtulungan sa Family Tree.
All members of a family group tree can copy people from private trees into a family group tree.
Maaari mong idagdag ang mga pinsan, mga tiyahin, mga tiyuhin, mga kuya, mga ate, at ibang buhay na kamag-anak sa Family Tree.
Ang isang tagapangasiwa ng grupo ay maaaring mag-anyaya ng mga tao na sumali sa isang family group.
Ang bawat tagagamit ng FamilySearch ay maaaring sumali sa maraming mga pangkat o grupo ng pamilya (hanggang sampu). Upang sumali sa isang pangkat ng mag-anak, dapat kang tumanggap ng paanyaya mula sa isang tagapamahala ng pangkat.
Kung may family group tree ka, gamitin ang panlipat sa kaliwang sulok sa itaas ng Family Tree upang makalipat sa isang family group tree mula sa iyong pribadong tree.
Sa Family Tree, ang tanawing larawan ay ipinapakita ang iyong angkan ng nakatayo. Ikaw at ang iyong mga inapo ay nasa ibaba. Ang iyong mga ninuno ay nasa ibabaw mo. Hindi mo nakikita ang mga ninuno ng iyong asawa.
Mga bagay na madalas itanong
Sino ang mga dapat gumamit ng mga family group tree?
Ang mga family group tree ay kapaki-pakinabang sa mga pamilyang nais makita ang impormasyon ng isa’t isa sa Family Tree. Maaari silang magtulungan at magbahagi ng mga mahahalagang kaganapan sa buhay, larawan, kwento, at source tungkol sa kanilang mga sarili at sa isa’t isa.
Bilang pag-iingat upang maprotektahan ang mga bata at kabataan, tanging ang mga user na 18 pataas ang maaaring lumikha ng grupo. Gayunman, ang lahat ng user ay maaaring makilahok sa mga family group tree. Ang mga gumagamit na mas bata sa 18 ay maaaring italaga bilang mga tagapangasiwa matapos likhain ang isang grupo.

Pareho lamang ba ang mga family group at mga family group tree?
Hindi. Ang family group ay isang grupo ng mga user ng FamilySearch na nagsama-sama upang maisakatuparan ang iisang layunin.
Ang family group tree ay isang tree na ibinabahagi sa mga miyembro ng iyong grupo at nagtutulot sa lahat ng miyembro nito na makipagtulungan at tumingin sa mga parehong buhay na tao.
Talagang posibleng magdagdag ng isang family group tree sa iyong dati nang family group!

Maaari ba akong mapabilang sa higit sa isang family group tree?
Oo, maaari kang mapabilang sa maraming family group tree.
Sa kasalukuyan, isang family group tree lamang ang maaari mong makita kada bukas mo sa iyong browser. Halimbawa, hindi ka maaaring magbukas ng isang family group tree sa isang browser tab at magbukas ng isa pang group tree sa isa pang tab sa parehong browser na iyon.
Kung nais mong magbukas ng higit sa isang family group tree, buksan ang mga ito sa magkakaibang browser tulad ng isang tree sa Chrome at ibang tree sa Firefox.

Anong mga feature ang maaari kong gamitin sa family group tree?
Sa family group tree, maaari mong gamitin ang mga parehong feature na available sa pampublikong tree, kabilang na ang mga source, record hint, time line, alaala, tala, at iba pa.
Ang ilang Family Tree feature ay hindi available para sa mga buhay na tao sa Family Tree, hindi alintana kung sila man ay nasa pribadong family tree o family group tree:
Ang ilang Family Tree feature ay hindi available para sa mga buhay na tao sa Family Tree, hindi alintana kung sila man ay nasa pribadong family tree o family group tree:
- Mga Talakayan
- Maghanap ayon sa pangalan
May limitasyon ba sa laki para sa mga family group tree?
Ang isang family group ay maaaring magkaroon ng hanggang 500 na kalahok.
Walang limitasyon sa bilang ng mga tao na maaaring idagdag sa family group tree.
Walang limitasyon sa bilang ng mga tao na maaaring idagdag sa family group tree.
Sino ang makakakita at makakapag-edit ng impormasyon tungkol sa akin sa family group tree?
Maaaring makita at ma-edit ng lahat ng miyembro ng grupo ang lahat ng impormasyon tungkol sa iyo tulad ng nakikita sa iyong Family Tree person page.
Upang mabago kung paano lumilitaw ang iyong pangalan at contact information sa ibang user ng FamilySearch, mangyaring bisitahin ang iyong FamilySearch user profile at mga account setting.
Upang mabago kung paano lumilitaw ang iyong pangalan at contact information sa ibang user ng FamilySearch, mangyaring bisitahin ang iyong FamilySearch user profile at mga account setting.
Paano ko malalaman kung aling tree ang ipinapakita at paano ako lilipat-lipat sa mga ito?
Sa ilalim ng FamilySearch logo, sa kaliwang bahagi sa itaas ng iyong screen, makakakita ka ng isang bagong pampili na tumutukoy kung aling tree ang nakikita mo at nagtutulot na lumipat-lipat sa iyong pribadong tree at sa iyong mga family group tree.
Paano gumagana ang pagme-merge sa isang family group tree?
Kapag nagdagdag ka ng isang tao sa family group tree, maaari kang makalikha ng mga duplikadong rekord, at ayos lamang iyon.
Kung ang parehong tao ay lilitaw nang higit sa isang beses sa parehong family group tree, maaari mong gamitin ang I-merge ayon sa ID na feature upang mai-merge ang mga ito.
Kung ang mga duplikado ay nasa magkaibang mga tree, hindi maaaring i-merge ang mga ito. Halimbawa, hindi mo maaaring i-merge ang rekord ng iyong sarili mula sa iyong pribadong tree sa rekord ng iyong sarili sa isang family group tree.

Maaari ba akong mag-import ng isang GEDCOM file sa aking family group tree?
Ang mga GEDCOM import para sa mga family group tree ay hindi available sa panahong ito.
Maaari ko bang gamitin ang Family Tree mobile app para sa mga family group tree?
Sa panahong ito, maaari mong gamitin ang iOS version ng Family Tree mobile app para sa mga family group tree.
Ang Android app ay magkakaroon din ng ganitong feature sa hinaharap.
Ang Android app ay magkakaroon din ng ganitong feature sa hinaharap.
Magsimula
Lumikha ng iyong family group at magsimulang ibahagi ang iyong tree sa iyong pamilya.