Kung may family group tree ka, gamitin ang panlipat sa kaliwang sulok sa itaas ng Family Tree upang makalipat sa isang family group tree mula sa iyong pribadong tree.
Sa Family Tree, ang lahat ng user ay may pribadong tree na naglalaman ng mga buhay at kumpidensyal na tao na inilagay nila. Dati, ang tree na ito ay tinatawag na isang “pribadong espasyo.” Ito ay tinatawag na ngayon na “FamilySearch Tree.”
Kapag tiningnan mo ang FamilySearch Tree, tanging ikaw lamang ang makakakita sa mga buhay at kumpidensyal na tao sa tree. Kapag tumingin ka sa isang family group tree, ang mga buhay na tao ay makikita ng lahat ng miyembro ng grupo.
Mga Hakbang (website)
Nagsisimula sa grupo
- Buksan ang family group.
- Pindutin ang Tingnan ang Tree.
Nagsisimula sa tree
- Ipakita ang Family Tree.
- Sa pinakakaliwang panig ng screen, hanapin ang opsiyon na lumipat ng mga tree. Ito ay isang maliwanag na bughaw na parihaba, na matatagpuan sa kaliwa ng Tree, Recents, at iba pang mga menu items.
- Pindutin ang kasalukuyang piniling opsiyon, at piliin ang tree na ipapakita.
Mga Hakbang (mobile)
Nagsisimula sa tree
- Buksan ang iOS version ng Family Tree mobile app, at siguraduhing ikaw ay nasa Tree na tab.
- Sa itaas ng screen, pindutin ang Pedigree na opsiyon.
- Pindutin ang tree na nais mong ipakita.
- Pindutin ang Lumipat.
Nagsisimula sa mga setting
- Buksan ang iOS version ng Family Tree mobile app, at pindutin ang Iba Pa.
- Pindutin ang Mga Family Group.
- Pindutin ang family group na nais mo.
- Pindutin ang Group Tree.
Mga kaugnay na artikulo
Paano ako lilikha ng isang family group o family group tree?