Paano ako lilikha ng isang family group o family group tree?

Share

Sa FamilySearch, lumikha ng family group upang makapagtulungan at makapag-ugnayan nang madali sa iyong pamilya. Ang mga miyembro ng grupo ay maaaring magpadala ng mensahe sa buong grupo at magtulungan sa isang family group tree.

Ang mga user ng FamilySearch ay maaaring sumali sa maraming family group (hanggang 10). Kung lumikha ka ng isang grupo, ikaw ang awtomatikong unang miyembro nito at tagapangasiwa ng grupong ito.

Paalala: Ang mga user ng FamilySearch na wala pang 18 taong gulang ay maaaring sumali sa mga grupo ngunit kailangan 18 o mas matanda upang makalikha ng mga grupo.

Kung ikaw ay may family group na at nais mo lamang itong dagdagan ng isang family group tree, maaari mo iyong gawin nang hindi lumilikha ng isang bagong grupo. Maaari mo na lamang i-turn on ang opsiyon na magbahagi ng isang family group tree.

Mga Hakbang (website)

  1. Sa FamilySearch.org, pindutin ang Family Tree.
  2. Piliin ang Mga Family Group.
  3. Pindutin ang Lumikha ng Grupo. Kung ang button na ito ay wala sa itaas ng pahina, naabot mo na ang limitasyon na 10 grupo.
  4. (Opsiyonal) Pindutin ang , at mag-upload ng larawan para sa grupo.
  5. Maglagay ng pangalan ng grupo.
  6. (Opsiyonal) Maglagay ng paglalarawan ng grupo at mga tuntunin ng grupo.
  7. Kung nais mong magkaroon ng family group tree ang grupo, pindutin ang Tulutan ang grupong ito na magtulungan sa isang family group tree.
  8. Pindutin ang mga check box para sa mga kasunduan. Maaaring kailanganin mong mag-scroll down upang makita ang lahat ng ito.
  9. Pindutin ang Lumikha ng Grupo.
  10. Kung ang grupo ay magkakaroon ng family group tree, lilitaw ang iyong pribadong tree. Pindutin ang mga taong nais mong kopyahin sa family group tree:
    1. Pindutin ang check box sa tile ng bawat tao na nais mong mapabilang sa family group tree.
    2. Gamitin ang mga arrow key upang maipakita ang mga kapatid, pinsan, tita, at tito sa chart.
    3. Pindutin ang Kopyahin sa Grupo.
    4. Pindutin ang Magpatuloy sa Pedigree.

Mga Hakbang (mobile app)

Paalala: Bagama’t maaari kang lumikha ng mga family group sa Android version ng Family Tree mobile app, hindi ka maaaring magbahagi ng mga family group tree. Hangga’t hindi pa naidaragdag ang feature na ito sa Android mobile app, iminumungkahi namin ang paggamit ng Family Tree sa web browser.

Sa Family Tree mobile app, buksan ang mga family group na feature:

    • Apple iOS: Pindutin ang Iba Pa.
    • Android: Sa kaliwang bahagi sa itaas ng screen, pindutin ang .
  1. Pindutin ang Mga Family Group.
  2. Pindutin ang Lumikha ng Grupo.
  3. (Opsiyonal) Pindutin ang , at mag-upload ng larawan para sa grupo.
  4. Maglagay ng pangalan ng grupo.
  5. (Opsiyonal) Maglagay ng paglalarawan ng grupo at mga tuntunin ng grupo.
  6. Kung nais mong magkaroon ang grupo ng family group tree, pindutin ang Tulutan ang grupong ito na magtulungan sa isang Family Group Tree.
    • Ang opsiyon na ito ay kasalukuyang available sa iOS version ng Family Tree mobile app.
    • Kung hindi mo nakikita ang opsiyon na ito, maaaring kailangan mong i-update ang app.
  7. Kung nais mong magtulungan ang grupo sa isang family group tree, pindutin ang check box.
  8. Pindutin ang mga check box para sa mga kasunduan.
  9. Pindutin ang I-save.
  10. Kung ang grupo ay magkakaroon ng family group tree, piliin ang Tree, at piliin ang mga indibiduwal na nais mong mapabilang.
    1. Upang maidagdag ang iyong sarili lamang sa family group tree na ito, pindutin ang Kopyahin ang Aking Sarili Lamang. Upang makopya ang mga tao mula sa iyong pribadong listahan, pindutin ang mga pangalan, at pindutin ang Kopyahin ang Pinili.
    2. Pindutin ang Magpatuloy sa Tree.
    3. Pindutin ang Lumipat.

Mga susunod na hakbang

Pagkatapos mong lumikha ng isang family group, may ilang bagay ka pang kailangang gawin kung ang iyong grupo ay may tree:

  • Idagdag ang iyong pamilya sa tree. Maaari kang kumopya mula sa iyong pribadong tree o maglagay nang manu-mano.
  • Anyayahan ang iyong pamilya na sumali sa grupo.
  • Magtalaga ng 1 o 2 karagdagang miyembro ng grupo upang maging tagapangasiwa.

Mga kaugnay na artikulo

Paano ako magdaragdag ng isang Family Group Tree sa isang dati nang family group?
Ano ang mga family group?
Paano ako mag-aanyaya ng mga tao na sumali sa isang family group?
Paano ako sasali sa isang family group?
Paano ko ie-edit ang pangalan, larawan, o paglalarawan ng isang grupo?
Paano ako magbibigay ng mga karapatang mangasiwa sa isang family group?
Paano ako makakapagmensahe sa mga miyembro ng isang family group?

Nakatulong ba ito?