Ang mga kasapi ng pangkat ay madaling makapagpadala ng mensahe sa isang pangkat ng mag-anak upang iugnay ang pananaliksik at ibang gawain.
Mga Hakbang (website)
- Sa FamilySearch.org, pindutin ang Family Tree.
- Pumili ng Mga Pangkat ng Mag-anak.
- Pindutin ang pangkat ng mag-anak.
- Pindutin ang Pangkat na Mensahe.
- Sa kanang ibaba ng pangunahing bintana ng usapan, ilagay ang iyong mensahe.
- Pindutin ang Ipadala.
Lumilitaw ang mga mensahe sa mga usapan ng FamilySearch ng bawat isang kasapi ng pangkat.
Mga Hakbang (mobile app)
- Lumagda sa Family Tree mobile app.
- Buksan ang tabing na menu.
- iOS: Sa kanang sulok sa ibaba ng tabing, pindutin ang 3 mga harang.
- Android: Sa kaliwang sulok sa tuktok ng tabing, pindutin ang 3 mga harang.
- Pindutin ang Mga Pangkat ng Mag-anak.
- Pindutin ang Pangkat ng Mag-anak na gusto mong padalhan ng mensahe.
- Sa kanang bahagi ng tabing, pindutin ang buton ng Usapan.
- Sa ilalim ng tabing, sa larangan na “Magpadala ng mensahe”, ilagay ang iyong mensahe.
- Pindutin ang pana na ipadala.
Lumilitaw ang mga mensahe sa mga usapan ng FamilySearch ng bawat isang kasapi ng pangkat.
Magkakaugnay na mga lathalain
Paano ko titigil ang pagtanggap ng mga patalastas na email kapag sumali ang mga tao sa mga pangkat ng mag-anak?
Paano ako aalis sa isang pangkat ng mag-anak?