Paano ko iiwanan ang isang pangkat ng mag-anak?

Share

Maaari mong iwanan ang isang pangkat ng mag-anak nang madali kapag hindi mo na nais na lumahok.

Kung iiwan mo ang isang pangkat ng mag-anak na kabahagi ng isang puno ng pangkat ng mag-anak, ang iyong lagay ay mananatili sa puno.

Tulong: Ang mga tagagamit ng FamilySearch ay maaaring sumali ng hanggang sampung pangkat ng mag-anak. Kung ikaw ay kasapi na ng isang pangkat ng mag-anak, maaari ka pa ring sumali sa iba.

Mga hakbang upang lisanin ang isang pangkat ng mag-anak (Website)

  1. Sa FamilySearch.org, pindutin ang iyong pangalan.
  2. Pumili ng Mga Pangkat ng Mag-anak.
  3. Pindutin ang pangkat ng mag-anak na nais mong iwanan.
  4. Sa Mga Kaayusan ng Pangkat at Puno, pindutin ang Lisanin.
  5. Pindutin muli ang Lisanin.

Mga hakbang upang lisanin ang isang pangkat ng mag-anak (Mobile App)

  1. Sa Family Tree mobile app, buksan ang katangian na mga pangkat ng mag-anak:
    • Apple iOS: Pindutin ang Marami Pa.
    • Android: Sa kaliwang tuktok, pindutin ang 3 guhit.
  2. Pindutin ang Mga Pangkat ng Mag-anak.
  3. Para sa pangkat na nais mong iwanan, pindutin ang Tingnan ang Pangkat.
  4. Sa kanang-itaas, pindutin ang 3 tuldok. (Paalaala: kung ikaw ang tagapangasiwa ng pangkat, pindutin muna ang Magtalaga ng Admin at itakda ang ibang tao bilang isang tagapamahala—pagkatapos ay magpatuloy).
  5. Pindutin ang Iwanan ang Pangkat.
  6. Pindutin ang Iwanan sa lumilitaw na mensahe.

Magkakaugnay na Mga Lathalain

Paano ako lilikha ng isang pangkat ng mag-anak?
Paano ako mag-anyaya nang mga taong sumali sa isang pangkat ng mag-anak?
Paano ako sasali sa isang pangkat ng mag-anak?
Paano ko aalisin ang isang tao mula sa isang pangkat ng mag-anak?

Nakatulong ba ito?