Paano ko itu-turn on ang isang family group tree para sa isang dati nang family group?

Share
Turn on a Family Group Tree in an existing family group
0:00 / 0:00
videoCompanion

Kung ikaw ay isang tagapangasiwa ng isang family group, maaari mong i-turn on ang isang family group tree para sa isang dati nang grupo. Ang family group tree ay nagtutulot sa mga miyembro ng grupo na buuin at tingnan ang parehong tree ng mga buhay na miyembro ng pamilya at makita rin kung paano sila nauugnay sa kanilang mga yumaong ninuno sa pampublikong tree.

Ang feature na ito ay hindi pa available sa iOS mobile app.

Mga Hakbang (website)

  1. Sa FamilySearch.org, pindutin ang Family Tree.
  2. Piliin ang Mga Family Group.
  3. Pindutin ang family group.
  4. Pindutin ang I-edit ang Grupo.
  5. Pindutin ang Tulutan ang grupong ito na magtulungan sa isang family group tree.
  6. Basahin ang impormasyon sa kasunduan, at pagkatapos ay pindutin ang 2 check box.
  7. Pindutin ang I-save.
  8. Pindutin ang Pumili ng mga Tao.
  9. Pindutin ang check box sa tile ng bawat tao na nais mong mapabilang sa family group tree. Gamitin ang mga arrow key upang maipakita ang mga kapatid, pinsan, tita, at tito sa chart.
  10. Pindutin ang Kopyahin sa Grupo.
  11. Pindutin ang Magpatuloy sa Pedigree.

Ang lahat ng miyembro ng family group ay padadalhan ng mensahe na ang bagong family group tree na ito ay available. Makikita at mae-edit nilang lahat ang impormasyon tungkol sa mga buhay na tao sa tree na ito.

Mga Hakbang (mobile app)

Paalala: Bagama’t maaari kang lumikha ng mga family group sa Android version ng Family Tree mobile app, hindi ka maaaring magbahagi ng mga family group tree. Hangga’t hindi pa naidaragdag ang feature na ito sa Android mobile app, iminumungkahi namin ang paggamit ng Family Tree sa web browser.

  1. Sa iOS version ng Family Tree mobile app, buksan ang mga family group na feature:
    • Apple iOS: Pindutin ang Iba Pa.
    • Android: Sa kaliwang bahagi sa itaas ng screen, pindutin ang 3 linya.p .
  2. Pindutin ang Mga Family Group.
  3. Pindutin ang grupo na nais mo.
  4. Pindutin ang .
  5. Pindutin ang I-edit ang mga Detalye ng Grupo.
  6. Pindutin ang Tulutan ang grupong ito na magtulungan sa isang Family Group Tree.
    • Ang opsiyon na ito ay kasalukuyang available sa iOS version ng Family Tree mobile app.
    • Kung hindi mo nakikita ang opsiyon na ito, maaaring kailangan mong i-update ang app.
  7. Pindutin ang mga check box para sa mga kasunduan.
  8. Pindutin ang Save.
  9. Kung ang grupo ay magkakaroon ng family group tree, pumili ng mga tao na idaragdag sa tree:

    1. Upang maidagdag ang iyong sarili lamang sa Family Group Tree na ito, pindutin ang Kopyahin ang Aking Sarili Lamang. Upang makopya ang mga tao mula sa iyong pribadong listahan, pindutin ang mga pangalan, at pindutin ang Kopyahin ang Pinili.
    2. Pindutin ang Magpatuloy sa Tree.
    3. Pindutin ang Lumipat.

Mga kaugnay na artikulo

Paano ako lilikha ng isang family group o family group tree?

Nakatulong ba ito?