Ang isang pangkat ng mag-anak ay maaaring magkaroon ng hanggang sa tatlong tagapamahala. Ang taong lumilikha ng isang pangkat ay awtomatikong unang tagapamahala nito.
Maaaring gawin ng mga tagapamahala ng pangkat ang sumusunod:
- Anyayahan at aprubahan ang bagong mga kasapi ng pangkat.
- Baguhin ang pangalan at paglalarawan ng pangkat.
- Magdagdag at ayusin ang mga tuntunin ng pangkat.
- Tanggalin ang mga kasapi ng pangkat.
- Magtakda o tanggalin ang mga karapatang pamamahala sa ibang mga tagagamit.
- Baguhin ang mga kaayusan upang payagan ang pangkat na magbahagi ng isang puno ng pangkat ng mag-anak.
Mungkahi namin na ang bawat isang pangkat ng mag-anak ay may hindi bababa sa dalawang tagapamahala upang matiyak na mayroong isang kahaliling magagamit kapag kinailangan.
Mga Hakbang (website)
- Sa FamilySearch.org, pindutin ang iyong pangalan.
- Pumili ng Mga Pangkat ng Mag-anak.
- Pindutin ang pangkat ng mag-anak.
- Pindutin ang Mga Kasapi ng Pangkat.
- Hanapin ang kasapi ng pangkat na nais mong gawin na tagapamahala.
- Pindutin ang tatlong nakatayong tuldok:
.
- Pindutin ang Magtalaga bilang isang Tagapamahala.
Mga Hakbang (mobile app)
Maaari kang magtalaga ng karagdagang tagapamahala sa isang pangkat kung saan ikaw ang tagapamahala. Ang isang pangkat ay maaaring magkaroon ng hanggang sa 3 tagapamahala.
- Sa Family Tree mobile app, pindutin ang markang 3 guhit -ibabang kanan sa Apple iOS; kaliwang itaas sa Android.
- Pindutin ang Mga Pangkat ng Mag-anak.
- Hanapin ang pangkat na nais mong dagdagan ng isang tagapamahala. Pindutin ang Tingnan ang Pangkat.
- Sa kanang-itaas, pindutin ang 3 tuldok.
- Pindutin ang Magtakda ng Tagapamahala.
- Pindutin ang bula sa tabi ng bawat isang taong gusto mo bilang isang tagapamahala.
- Pindutin ang Ipunin.
Magkakaugnay na mga lathalain
Paano ko anyayahan ang mga taong sumali sa isang pangkat ng mag-anak?
Paano ko aayusin ang pangalan, larawan, o paglalarawan ng isang pangkat?
Paano ko aalisin ang isang tao sa isang pangkat ng mag-anak?