Ano ang mga family group tree?

Share

Ang mga family group tree ay isang uri ng family group na nagtutulot sa mga pamilya na magtulungan sa Family Tree. Sa isang family group tree, maaaring dagdagan at baguhin ng mga kalahok sa grupo ang impormasyon tungkol sa mga parehong buhay na tao sa loob ng parehong tree. Kabilang dito ang kakayahang magdagdag at tumingin ng mga alaala at source—lahat ng maaari mong gawin ngayon sa mga yumaong tao. Sa isang family group tree, makikita at mae-edit ng lahat ng miyembro ng grupo ang lahat ng parehong tao, kabilang na ang mga buhay na tao.

Sa mga family group tree, umaasa kaming makapaghandog sa mga gumagamit ng FamilySearch ng ilang mahahalagang pakinabang:

Iugnay ang iyong buhay na pamilya. Pagtibayin ang pagkakaisa.

Tipunin ang iyong pamilya sa isang grupo, at tingnan ang parehong pedigree. Isali ang iyong pamilya sa pagsasaliksik ng kanilang family history bilang isang team. Pagyamanin ang iyong kasaysayan sa pamamagitan ng mga larawan, kwento, at source.

Magbahagi at mangalaga.

Ibahagi ang mga alaala at mahahalagang pangyayari sa buhay habang sariwa pa ang mga ito, at pangalagaan ang online privacy ng lahat.

Mag-iwan ng pamana.

Tiyakin na maaaring ma-access ng mga susunod na henerasyon ng iyong pamilya ang impormasyong ito upang matuto tungkol sa iyong buhay.

Mga kaugnay na artikulo

Sentro ng Pag-aaral ng mga Family Group Tree

Nakatulong ba ito?