Sino ang maaaring makakita at makapag-edit ng mga tao sa isang family group tree?

Share

Ang lahat ng kalahok sa isang family group ay kapwa makakakita at makakapag-edit ng lahat ng impormasyon sa family group tree. Ito ay nagtutulot sa ibang mga miyembro ng pamilya, halimbawa, na magbahagi ng mga larawan at alaala tungkol sa isa’t isa.

Ang mga miyembro ng grupo ay maaari ring pumili ng sarili nilang panimulang tao na gagamitin kapag ipinapakita ang family group tree.

Ang lahat ng kalahok sa grupo ay dapat may kamalayan at sumusunod sa mga tuntunin tungkol sa privacy, tuntunin sa paggamit ng FamilySearch, at alituntunin sa pag-uugali ng grupo.

Ang mga mag-aambag ay may responsibilidad na siguraduhing may karapatan at pahintulot sila na ibahagi ang impormasyon sa grupo, kabilang na ang personal na impormasyon ng ibang mga buhay na indibiduwal.

Mga buhay na tao

Ang lahat ng kalahok sa isang family group ay kapwa makakakita at makakapag-edit ng lahat ng impormasyon sa family group tree.

Walang paraan upang mai-lock ng isang user ang kanyang rekord sa family group tree upang mapigilan ang ibang mga miyembro ng grupo na baguhin ito.

Mga yumaong ninuno

Maaaring makita at ma-edit ng lahat ng kalahok sa grupo ang mga yumaong ninuno na nauugnay sa mga buhay na tao sa family group tree.

Ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng buhay at yumaong tao sa isang family group tree ay na ang mga yumaong ninuno ay nasa pampublikong tree, kung saan maaaring makita at ma-edit ng lahat ng user ng FamilySearch ang impormasyon.

Walang paraan upang mailipat ang isang yumaong ninuno mula sa pampublikong tree nang sa gayon ay tanging ang family group ang maaaring makakita at makapag-edit nito.

Mga kumpidensyal na tao

Kung may mga kumpidensyal na tao ka sa iyong pribadong listahan, maaari mo silang kopyahin sa isang family group tree at ibahagi ang access sa impormasyon sa mga kalahok sa grupo. Ito ang tanging pagkakataon kung saan tanging ang mga kalahok sa grupo lamang ang makakakita sa mga yumaong ninuno.

Mga kaugnay na artikulo

Paano pinoprotekatahan ng Family Tree ang privacy ng mga buhay na tao?
Sino ang makakakita sa impormasyon tungkol sa mga buhay na tao sa Family Tree?
Sino ang maaaring makakita sa mga profile ng mga kumpidensyal na tao sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?