Paano pinoprotekatahan ng Family Tree ang privacy ng mga buhay na tao?

Para maprotektahan ang privacy, nililimitahan ng Family Tree kung sino ang makakakita sa mga rekord ng mga buhay na tao. Tanging ang user na nagpasok ng impormasyon tungkol sa isang buhay na tao sa Family Tree ang makakakita o makakapagbago nito.

Maging maingat kapag nag-a-attach ka ng mga alaala sa mga buhay na tao. Sa ilang sitwasyon, ang mga alaala ay makikita ng ibang tao. Inirerekomenda namin na i-set o gawin mong pribado ang mga alaala tungkol sa mga buhay na tao.

Paano ko malalaman kung ang isang taong nakikita ko sa Family Tree ay buhay?

Sa Family Tree, ang mga rekord ng mga buhay na tao ay naglalaman ng dilaw na banner sa itaas ng page ng Tao. Dagdag pa rito, lumalabas ang salitang “Buhay” sa halip na petsa ng kamatayan o salitang “Patay Na.”

Paano ako magdaragdag ng magulang sa Family Tree?

  • Magdagdag ng isang tao sa Family Tree at piliin ang opsiyon na Buhay.
  • Ilipat ang rekord ng isang buhay na tao mula sa isang database na pinamamahalaan mo sa isang third-party program.

Kung minsan ay nakikita ng mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang mga buhay na tao na ang impormasyon ay mula sa kanilang membership record sa Simbahan.

Paano nagiging available sa publiko ang mga rekord ng mga buhay na tao?

Kadalasan, ang rekord ng isang tao ay nagiging available sa publiko matapos magdagdag ng petsa ng kamatayan dito. Hindi kinakalkula ng Family Tree kung ang isang tao na ang rekord ay minarkahan bilang buhay ay maaaring yumao na. Hindi binabago ng system ang status ng isang tao at ginagawa itong patay na batay sa taon ng kapanganakan nito.

Maaari bang idagdag ng maraming contributor ang iisang buhay na tao sa Family Tree?

Maraming user ang maaaring maglagay ng profile para sa iisang buhay na tao sa Family Tree. Bawat rekord ay may sariling ID. Kung gagawa ka ng mga pagbabago sa profile ng isang buhay na tao na nakikita mo, ang iyong pagbabago ay hindi makakaapekto sa ibang profile para sa iisang tao.

Kaugnay na mga artikulo

Paano ko babaguhin ang aking privacy settings sa FamilySearch?
Paano ko magagawang pribado ang isang alaala?
Paano ko babaguhin ang isang status mula sa buhay at gawin itong patay na sa Family Tree?
Paano ko makikita ang aking mga kontribusyon sa Family Tree?
Paano ko ime-merge ang mga kopya ng buhay o kumpidensyal na tao na idinagdag ko sa Family Tree?
Maaari ba akong magdagdag ng mga alaala tungkol sa aking mga buhay na kamag-anak sa Family Tree?
Maibabahagi ko ba ang access sa mga buhay at kumpidensyal na tao na idinagdag ko sa Family Tree?

moduleTitle