Paano ko babaguhin ang pagtingin ng isang memorya?

Share

Bilang default, ang lahat ng mga memorya na idinagdag mo sa FamilySearch ay makikita ng publiko. Maaari mong piliing gawing pansarili ang isang memorya upang ikaw lamang at ang mga napiling mga pangkat ng mag-anak ang maaaring makakita nito.

Mga hakbang upang baguhin ang pagtingin ng memorya (website)

  1. Lumagda sa FamilySearch.
  2. Pindutin ang Mga Memorya sa tuktok ng pahina.
  3. Pindutin ang Galeriya mula sa bagsak-baba na menu.
  4. Pindutin ang isang memorya..
  5. Sa pahinang memorya ng tao, hanapin ang panig ng kabatiran sa kanan.
  6. Sa bahaging Pagtanaw, pindutin ang markang lapis sa tabi ng Publiko o Pansarili.
  7. Sa listahan na lilitaw, pindutin ang Publiko o Pansarili.
  8. Pindutin ang Magpatuloy upang patunayan ang pagbabago sa pagkita.
  9. Upang ibahagi ang isang memorya sa isa o higit pang mga pangkat ng mag-anak, dapat munang itakda ang iyong memorya sa Pansarili. Pagkatapos, pindutin ang Piliin ang Pangkat upang pumili ng isa o maraming mga pangkat ng mag-anak kung saan makikita ang memorya.

Mga hakbang upang baguhin ang pagkita ng memorya (mobile na Mga Memorya o Family Tree app)

  1. Pindutin ang isang bagay na memorya.
  2. Sa tuktok na sulok ng tabing, pindutin ang tatlong tuldok.
  3. Pindutin ang Mga Detalye.
  4. Sa ilalim ng Pagtanaw, pindutin ang kaayusan ng pagtanaw
    • Publikong Memorya: Ang sinuman ay maaaring tignan ang memorya
    • Pansariling Memorya: Ikaw lamang ang maaaring tumingin sa memorya

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Hindi magagamit ang mga memorya sa Family Tree Lite.

Magkakaugnay na mga lathalain

Sino ang maaaring makakita sa alaalang ito?
Gabay sa mga setting ng kakayahang makita ng memorya
Paano ako mag-a-upload ng mga alaala sa FamilySearch?
Paano ko mai-tag ang mga alaala ng aking mga ninuno o kamag-anak sa Family Tree?
Sino ang maaaring tumingin sa mga bagay na nai-upload sa Mga Memory para sa mga nabubuhay na tao?

Nakatulong ba ito?