Paano ako mag-a-upload ng mga alaala sa FamilySearch?

Share
0:00 / 0:00
videoCompanion
How to add photos to a person in a few easy steps | FamilySearch

Maaari kang mag-upload ng mga larawan, audio file, o dokumento sa FamilySearch Memories, bilang iisang item man o bilang isang grupo ng mga item.

Bago ka magsimula

Basahing mabuti ang Kasunduan sa Pagsusumite.

Mga limitasyon sa format at laki ng file

  • Mga dokumento: mga .pdf file format hanggang 15 MB. I-convert sa .pdf ang iba pang mga format ng dokumento tulad ng .doc at .docx files bago mo i-upload.
  • Mga larawan: mga .jpg, .png, .tif, at .bmp file format hanggang 15 MB.
  • Audio: .mp3, .m4a, at .wav hanggang 15 MB

Dapat mong malaman na

  • .pdf ang tanging suportadong uri ng file na maaaring kabilangan ng maramihang pahina.
  • I-edit ang isang alaala, tulad ng pag-crop ng isang larawan, bago i-upload. Kapag na-upload mo na ang isang item, hindi mo na ito mae-edit.

Mga Hakbang mula sa Mga Alaala (website)

  1. Mag-sign in sa FamilySearch.org
  2. Sa menu bar sa pinakaitaas ng screen, pindutin ang Mga Alaala.
  3. Pindutin ang Gallery.
  4. Pindutin ang plus sign (+) sa isang bilog.
  5. I-drag at i-drop ang content mula sa iyong computer papunta sa screen, o pindutin ang Pumili ng mga File.
  6. Isa-isang i-tag ang mga larawan. (Tingnan ang mga kaugnay na artikulo para sa karagdagang tulong.)

Mga hakbang mula sa pahina ng Tao (website)

  1. Mag-sign in sa FamilySearch.org
  2. Sa menu bar, piliin ang Family Tree.
  3. Piliin ang Tree.
  4. Pumili ng isang indibiduwal, at saka piliin ang Tao upang makita ang pahina ng tao.
  5. Pindutin ang tab na Mga Alaala.
  6. Pindutin ang Magdagdag ng mga Alaala.
  7. Pindutin ang isang uri ng alaala:
    1. Audio: I-record ang iyong boses upang magkuwento. Maaari kang mag-record nang hanggang 5 minuto para sa bawat audio ng alaala. Pindutin ang record button upang mag-record. Kapag tapos ka na, pindutin ang Tapos na. Pagkatapos ay pindutin ang I-save.
    2. Kuwento: Mag-upload ng hanggang 10 larawan mula sa Iyong Device o mula sa Iyong Gallery. Maglagay ng pamagat at ng kuwento. Ang mga kuwento ay naka-set bilang Publiko nang default. Upang magawang pribado ang isang kuwento, pindutin ang Pribado. Pindutin ang I-save.
    3. File: Mag-upload ng mga file. Pindutin upang mag-upload mula sa Iyong Device, Iyong Gallery, o Google Photos.

Mga hakbang sa pag-upload ng maramihang file o larawan

Piliin ang mga Magkakasunod na File:

  1. Hanapin at pindutin ang unang item.
  2. Pindutin ang Shift button sa iyong keyboard.
  3. Habang nakadiin ang Shift button, pindutin ang huling item na gusto mong i-upload.
  4. Makakakita ka ng isang listahan ng mga attachment na naka-highlight at handa nang i-upload. Sundin ang mga prompt sa screen at i-upload ang mga larawan.

Piliin ang mga Hindi Magkakasunod na File:

  1. Upang pumili ng mga hindi magkakasunod na larawan mula sa isang folder, hanapin at pindutin ang unang larawan.
  2. Pindutin at panatilihing nakadiin ang Control button (Ctrl).
  3. Habang nakadiin ang Control button, pindutin ang lahat ng item na gusto mong i-upload. Pagkatapos ay sundin ang mga prompt sa screen upang mag-upload.

Mga Hakbang (Memories mobile app)

  1. Pindutin ang plus sign (+) sa bilog.
  2. Pindutin ang Magdagdag ng Dokumento o Magdagdag ng Larawan.
  3. Pindutin ang opsyon na gusto mong gamitin:
    1. Android: Camera o File
    2. Apple iOS: Take Photo, Camera Roll, o My Files

Pumili ng isang file mula sa iyong device, at pindutin ang I-upload. O gamitin ang camera feature upang kuhanan ang content. I-edit ang larawan, at pindutin ang I-save.

Mga Hakbang (Family Tree mobile app)

  1. Pindutin upang mabuksan ang mga detalye sa pahina ng tao.
  2. Pindutin ang Mga Alaala.
  3. Pindutin ang plus sign icon (+).
  4. Pindutin ang Magdagdag ng Dokumento o Magdagdag ng Larawan.
  5. Pindutin ang isang opsyon:
    1. Android: Camera, File, o FamilySearch Gallery
    2. Apple iOS: Take Photo, Camera Roll, My Files, o My FamilySearch Gallery.

Pumili ng isang file mula sa iyong device, o mula sa Gallery, at pindutin ang I-upload. O gamitin ang camera feature upang kuhanan ang content. I-edit ang larawan, at pindutin ang I-save.

Family Tree Lite

Sa kasalukuyan, hindi kasama sa Family Tree Lite ang feature na Mga Alaala. 

Kapag tapos ka na

Kung ang mga kulay na ipinapakita ay baligtad (bilang mga negative) sa FamilySearch, mangyaring tanggalin ang larawan. I-convert ito sa ibang file format at i-upload itong muli.

Isa-isang i-tag ang bawat larawan at dokumento upang mai-link sa isang indibiduwal sa Family Tree. Magdagdag ng pamagat, petsa ng event, lugar ng event, at paglalarawan upang mas madaling mahanap ang item ng iyong alaala. 

Sa Family Tree, ang mga alaala ng isang tao ay lilitaw ayon sa petsa na idinagdag ang mga ito. Hindi mo maaaring baguhin ang pagkakasunud-sunod na iyan.

Mga kaugnay na artikulo

Paano ko idaragdag o ie-edit ang pamagat ng isang larawan, kuwento, dokumento, o audio file?
Bakit hindi pa naa-upload ang aking larawan o dokumento?
Paano ko ita-tag ang mga alaala ng aking mga ninuno o kamag-anak sa Family Tree?
Anong mga tuntunin ang angkop sa pag-upload ng mga alaala sa FamilySearch.org?

Nakatulong ba ito?