Paano ko idadagdag o isasaayos ang pamagat ng isang larawan, kuwento, kasulatan, o salansan na pandinig?

Magdagdag ng mga pamagat sa mga memorya na naiambag mo upang makilala ang mga ito mula sa iba pang mga memorya. Ginagawang mas madaling hanapin ng mga pamagat ang mga memorya at tumutulong sa mga manonood na maunawaan ang kani-kanilang kahalagahan. Kung nagbago ang isip mo tungkol sa isang tiyak na pamagat, maaari mo itong ayusin.

Paalaala: Maaari kang magdagdag o mag-ayos ng mga pamagat para sa mga memorya na naiambag mo. Hindi mo idadagdag o isa-sa-ayos ang mga pamagat para sa mga memorya na naiambag ng ibang mga tagagamit.                  

Mga mungkahi para sa may pakinabang na mga pamagat

  • Gawing maigsi ngunit nauukol ang mga ito sa paksa.
  • Ilagay ang karagdagang kabatiran sa larangan ng Paglalarawan.
  • Huwag ilista ang lahat ng mga tao sa isang bagay. Sa halip, lumikha ng mga pananda.
  • Kadalasang kinabibilangan ng may pakinabang na mga pamagat ang mga sumusunod na kabatiran
    • Ang pangalan ng tao o pangkat ng mag-anak (gaya sa "mag-anak ng/ni," "mga kapatid ng/ni," "mga anak ng/ni,""mga inapo ng/ni")
    • Isang pangyayari, gaya sa isang kaarawan, muling pagtitipon, libing, o bakasyon
    • Isang pook, gaya sa isang tahanan, simbahan, o libingan
    • Ang dahilang ang memorya ay nilikha, gaya sa isang larawan ng paaralan o larawang pasaporte.
    • Isang uri ng kasulatan, gaya sa sertipiko ng kasal, liham, obitwaryo, o lapida
    • Isang sangguniang babasahin o paliwanag, gaya sa "sipi ng isang diyaryo" o isang "salin ng isang liham."

Mga Hakbang (website)

  1. Lumagda sa FamilySearch
  2. Sa tuktok ng pahina, pindutin ang Mga Memorya.
  3. Pindutin ang Galeriya.
  4. Hanapin ang memorya na bagay nang walang pamagat.
  5. I-click ang Walang Pamagat.
  6. Ilagay ang pamagat.
  7. Pindutin palayo sa pamagat upang kusang ipunin ito.

Upang baguhin ang pamagat:

  1. I-click ang memorya.
  2. Sa kanan ng pamagat ng memorya, i-click ang I-edit.
  3. Baguhin ang pamagat.

Mga Hakbang (Mga memorya o Tree mobile app)

  1. Sa Mga Memorya na app, pindutin ang isang bagay na memorya. Sa tree app, mag-layag sa pahina ng isang tao at buksan ang markang Mga Memorya. Pagkatapos pindutin ang memorya.
  2. Pindutin ang Magdagdag ng isang pamagat. Kung hindi mo nakikita ang Magdagdag ng Pamagat, pindutin ang bagay na memorya at pagkatapos ay pindutin ang Magdagdag ng isang pamagat.
    1. Apple iOS na kagamitan: ilagay ang pamagat at pindutin ang Ipunin.
    2. Android na kagamitan: pindutin sa larangan ng Pamagat at idagdag ang pamagat. Pindutin ang Ipunin.
  3. Upang palitan ang pamagat, pindutin ito, at ilagay ang kapalit. Pindutin ang Ipunin.
  4. Para sa mga kuwento, pindutin ang tatlong tuldok sa kanang sulok sa itaas, at pindutin ang Ayusin o Ayusin ang Kuwento. Pagkatapos ay pindutin ang pamagat, at ilagay ang kapalit. Pindutin ang Ipunin.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko i-pa-ikot ang isang larawan o kasulatan sa Mga Memorya?
Paano ko lalagyan ng pananda ang mga memorya ng aking mga ninuno o kamaganak sa Family Tree?

moduleTitle