Anong mga patakaran ang naaangkop sa pag-a-upload ng mga alaala sa FamilySearch.org?

Nagbibigay ang FamilySeach ng madaling paraan para makapagbahagi ng mga retrato ng mga ninuno para matulungan ang pamilya mo na makilala at mahalin ang isa’t isa. Sinusuri namin ang lahat ng retrato ina-upload mo. Tingnan ang ating Mga Gabay at Patakaran sa Pag-upload para sa karagdagang impormasyon.

Habang nagpapasiya ka kung ano ang ia-upload na retrato o dokumento, isaisip ang mga bagay na ito:

  • Angkop: Ang mga retrato ay dapat sumunod sa angkop na pamantayan ng kadisentihan at kabutihan. Ang mga retrato ay hindi dapat magpakita ng paghahalikan o mga taong malapit nang maghalikan sa labi.
  • Nauugnay sa Family History: Dapat suportado ng mga ito ang isang layunin ng family history.
  • Nakapagpapabaling ng puso: Ang mga ito ay dapat makatulong sa mga tao na malaman at mahalin ang kanilang mga ninuno.
  • Hindi pangkomersyo: Ang mga ito ay hindi dapat nag-eendorso o nagtataguyod ng mga produkto o lumalabag sa intellectual property rights.
  • Privacy: Maging maingat kapag naglalagay ng mga retrato o dokumento tungkol sa mga buhay na tao.

Kapag gumagawa o nag-a-upload ka ng isang kuwento, tingnan ang anumang di-angkop na mga salita. Narito ang ilang uri ng salita na dapat iwasan:

  • Bastos na pananalita at pagmumura.
  • Mga pagtawag na nakasasakit sa iba.
  • Mga pagpapahayag ng poot o diskriminasyon.
  • Mga salitang humahamak o lumalapastangan sa mga paniniwala sa relihiyon.
  • Iba pang mga salita o pahayag na itinuturing na hindi angkop.

Kapag hindi angkop ang isang retrato o dokumento, minamarkahan ng FamilySearch ang memory item na “Restricted” at magpapadala sa iyo ng mensahe sa email. Kung naniniwala ka na mali ang restriksyong ito, sagutin ang email na natanggap mo, at magpaliwanag. Ang sagot mo ay direktang mapupunta sa team na nagrebyu at sumuri ng iyong memory item.

Kaugnay na mga artikulo

Bakit sinasabi na ang retrato ko ay “restricted”?
Maaari ba akong magdagdag ng mga alaala tungkol sa aking mga buhay na kamag-anak sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?