Sino ang maaaring tumingin sa mga bagay na inilagay sa Mga Memorya para sa mga taong buhay?

Share

Bago ka magbahagi ng anumang mga larawan, mga kuwento, mga kasulatan, o mga salansan na pandinig tungkol sa mga buhay na tao, dapat mong maunawaan na ang lahat ng mga memorya—kahit iyong mga taong nabubuhay sa kanila—ay makikita ng madla ayon sa default at maaring mahanap:

  • Ang mga ito ay maaring maipamahagi sa pamamagitan ng pag-ugnay, sosyal medya, at email.
  • Maaari silang matagpuan sa pamamagitan ng paksang pananda sa pananaliksik sa Mga Memorya na FamilySearc.
  • Maaari ang mga ito ay matatagpuan sa paggamit ng Google at ibang mga paraan ng paghahanap.

Sa hinaharap, ang Mga Memorya ay maaaring mahanap sa mas marami pang mga paraan. Mangyaring tingnan ang aming Kasunduan sa Pagbibigay bago magdagdag ng Mga Memorya sa FamilySearch

.Paalaala: Ang Indibidwal na Mga Memorya ay maaaring gawing pansarili sa pahinang Memorya ng isang tao. Ang mga Pangkat ng Mga Memorya ay maaaring gawing pansarili sa galeriya ng Mga Memorya. Kapag inilalagay ang isang bagong larawan o kasulatan, maaari mong piliin ang mga kaayusan sa pagtanaw. Ang default na pagtanaw ay publiko para sa mga namatay nang mga tao at pansarili para sa mga buhay na mga tao. Kung pipiliin mo ang pansariling pagtanaw, at bahagi ka ng isang pangkat, maaari mong piliin na pahintulutan ang pagtanaw sa partikular na mga pangkat.

Mga pangalan ng pananda

Kung ang pananda ay nakakabit sa isang buhay na tao sa Family Tree, ang marka ay ipinapakita lamang sa mga tagagamit na nakakakita na ang taong nasa Family Tree ay buhay. Kung, sa paanong paraan, ang pananda ay naglalaman ng pangalan ng isang taong namumuhay, ngunit hindi nakakabit sa taong namumuhay sa Family Tree, kaya ang pananda ay makikita ng bawat isang nakakakita ng Memorya.

Mga Album

Kung ikaw ay mayroong album na naglalaman ng Mga Memorya tungkol sa kapuwa mga buhay at patay na mga tao, ang sinumang makahanap ng anumang Memorya sa album na iyan ay maaaring maglayag at tuklasin ang lahat ng ibang Mga Memorya sa album na iyan. Ang ibang mga tagagamit ay maaring magdagdag ng Mga Memorya sa kinuha mo sa isang album na kanilang likha.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko gagawing pansarili ang isang memorya?
Maaari ba akong magdagdag ng mga memorya tungkol sa aking mga buhay na kamaganak sa Family Tree?
Paano ko hahanapin ang mga larawan, mga kuwento, mga kasulatan, at mga salansan na pandinig sa Mga Memorya?
Paano ko hihilingin na alisin ang isang memorya o pananda sa isang tao?

Nakatulong ba ito?