Maaari mong pagsamahin ang mga doble na buhay o lihim na tao sa Family Tree hanggat sila ay nasa parehong pansariling puno o puno ng pangkat ng mag-anak.
Ang mga doble ay dapat na nasa parehong puno
- Hindi mo maaaring pagsamahin ang mga doble kung ang isa ay nasa iyong pansariling puno at ang iba ay nasa isang puno ng pangkat ng mag-anak.
- Hindi mo maaaring pagsamahin ang mga doble kung ang isa ay nasa iyong pansariling puno at ang iba ay nasa pansariling puno ng ibang tagagamit.
- Hindi mo maaaring pagsamahin ang mga doble kung ang isa ay nasa iyong pansariling puno at ang iba ay nasa publikong puno.
- Hindi mo maaaring pagsamahin ang mga doble kung ang isa ay nasa isang puno ng pangkat ng mag-anak at ang iba ay nasa publikong puno.
- Hindi mo maaaring pagsamahin ang mga doble kung ang mga ito ay nasa iba-ibang mga puno ng pangkat ng mag-anak.
Ang mga doble ay dapat parehong buhay o patay
Kung patay ang isang tao sa iyong pansariling puno o puno ng pangkat ng mag-anak, idagdag ang kabatiran ng kamatayan sa balangkas, pagkatapos ay pagsamahin ang mga doble.
Gamitin ang Pagsamahin ayon sa Pagkakakilanlan
Maaaring hindi magpakita ang mga dobleng mga buhay at lihim na tao kapag naghahanap ng mga doble sa Family Tree. Gamitin ang Pagsamahin ayon sa Pagkakakilanlan sa bahaging Mga Kagamitan sa pahina ng tao.
Magkakaugnay na mga lathalain
Paano ko pagpapasiyahan kung ang dalawang tala sa Family Tree ay tungkol sa magkaparehong tao?
Paano ko pagsamahin ang mga doble sa Family Tree ayon sa Pagkakakilanlan?
Bakit bigo ang mga pagsasama sa Family Tree?
Paano pinangangalagaan ng Family Tree ang kasarinlan ng mga taong buhay?
Paano ko pagsamahin ang mga posibleng doble sa Family Tree?
Sino ang makakakita sa mga balangkas ng mga lihim na tao sa Family Tree?