nullAng dobleng tala ay nangyayari kapag ang Family Tree ay naglalaman ng higit sa isang tala tungkol sa isang tao. Kung makahanap ang Family Tree nang isang posibleng doble, ang larangan na Tulong sa Pagsasaliksik ay nagpapakita ng isang pulang tandang pandamdam at ang mga salitang "Posibleng Doble."
Maaari mong repasuhin ang posibleng mga doble at pasyahan kung ang mga ito ay tungkol sa magkaparehong tao.
- Kung ang mga ito ay tungkol sa magkaparehong tao, pagsamahin ang mga ito.
- Kung ang mga ito ay tungkol sa ibat ibang mga tao, markahan ang mga ito bilang "hindi tugma."
- Kung hindi ka sigurado, huwag silang pagsamahin ang mga ito. Gawin ang isa sa mga aksyon na ito:
- Kanselahin ang pagsasama. Ang doble ay magagamit para sa ibang mga tagagamit upang makita at repasuhin.
- Markahan ang tala bilang hindi tugma. Hindi nakikita ng mga iba ang posibleng doble.
Mga Hakbang (website)
- Sa Family Tree, ilantad ang isang pahina ng tao.
- Kung ang bahaging Mga Detalye ay hindi nakalantad, pindutin ang Mga Detalye.
- Sa bahaging Tulong sa Pagsasaliksik, pindutin ang isang Posibleng Dobleng mensahe.
- Pindutin ang Repasuhin ang Pagsasama . Magbubukas ang tabing ng pagsasama
- Ang kaliwang tabi ay ang posibleng doble. Ang isang pagsasama ay tinatanggal ang tala.
- Ang kanang bahagi ay ang tala na sinimulan mo. Ang isang pagsasama ay nagpapanatili sa tala.
- Magpasiya kung ang mga tala ay tungkol sa parehong tao.
- Pag-hambingin ang kaliwa at kanang bahagi' Hanapin ang tugma na mga pangalan, petsa, lugar, at mga kasapi ng mag-anak.
- Basahin ang anumang babalang mga mensahe sa tabing.
- Kung ang tala sa kaliwa ay ang pinaka-tumpak, pindutin ang Magpalit upang mapanatili ito sa halip.
- Kung ang mga tala ay hindi tungkol sa parehong tao, pindutin ang Hindi Tugma Kung hindi ka sigurado, pindutin ang Bumalik. Kung ang mga tala ay tungkol sa magkaparehong tao, pindutin ang Oo, Magpatuloy, at magpatuloy sa hakbang 6.
- Magpasiya kung anong kabatiran ang mananatili.
- Upang pag-hambingin ang taga-ambag, petsa ng pag-ambag, at mga pahayag na dahilan ng bawat piraso ng kabatiran, pindutin ang pana na pababa
- Upang mailipat ang kabatiran sa kanan, pindutin ang Tanggalin Ang kabatiran ay babalik sa posibleng doble.
- Upang palitan ang kabatiran sa kanan ng kabatiran mula sa kaliwa, pindutin ang Magpalit. Gamitin ito, halimbawa, upang iligtas ang balangkas ng buhay o isang pahayag na dahilan.
- Kung ang kaliwang bahagi ay naglalaman ng kabatirang wala sa kanang bahagi, at nais mong panatilihin ito, pindutin ang Magdagdag.
- Pindutin ang Magpatuloy.
- Tapusin ang pagsasama:
- Repasuhin ang natitirang tala.
- Maglagay ng dahilan para sa pagsasama. Maaari mong pindutin ang isa sa mga pahayag na iminungkahing dahilan o ilagay ang iyong sariling pahayag.
- Kung ang lahat ay mukhang wasto, pindutin ang Tapusin ang Pagsasama. Kung mayroong kamalian, pindutin ang Bumalik, at gawin ang mga pagwawasto sa nakaraang tabing.
- Pindutin ang Tapusin ang Pagsasama.
Kaagad pagkatapos ng pagsasama at sa maikling panahon, ang pagpipilian na "tanggalin" ay magagamit. Pindutin upang matanggal ang pagsasama ng 2 tala.
Mga Hakbang (mobile app)
- Sa Family Tree mobile app, ilantad ang pahina ng tao.
- Sa kanang sulok sa itaas, pindutin ang 3 tuldok, at pagkatapos ay pindutin ang Posibleng Mga Doble.
- Ang listahan ng mga maaaring doble ay lumilitaw. Kung nakikita mong higit sa isa, pindutin ang isang gusto mong gawin.
- Pindutin ang Repasuhin ang Pagsama.
- Basahin ang babala, at pindutin ang Magpatuloy sa Pagsasama . Ang tabing ng pagsasama ay lumilitaw.
- Ang kaliwang tabi ay ang posibleng doble. Ang isang pagsasama ay tinatanggal ang tala.
- Ang kanang bahagi ay ang talang sinimulan mo. Ang isang pagsasama ay nagpapanatili sa tala.
- Magpasiya kung ang mga tala ay tungkol sa parehong tao.
- Pag-hambingin ang kaliwa at kanang bahagi' Hanapin ang tugma na mga pangalan, petsa, lugar, at mga kasapi ng mag-anak.
- Kung ang tala sa kaliwa ay ang pinaka-tumpak, pindutin ang Ilipat ang mga kinalalagyan upang panatilihin ito, sa halip.
- Mag-balumbon sa ibaba. Kung ang mga tala ay hindi mga doble, pindutin ang Hindi tugma. Kung hindi, pindutin ang Oo, Magpatuloy, at magpatuloy sa susunod na hakbang.
- Magpasiya kung pananatilihin ang anumang kabatiran mula sa taong tatanggalin.
- Upang ilipat ang kabatiran mula sa kaliwa pa-kanan, pindutin Palitan.
- Upang magdagdag ng kabatiran mula sa kaliwa pa-kanan, pindutin ang Magdagdag.
- Tulong: Kung ang tala sa kaliwa ay naglalaman ng dobleng mga magulang, asawa, o mga anak, idagdag ang mga ito sa nananatiling tala. Maaari mong pagsamahin ang mga dobleng ito sa ibang panahon.
- Kapag natapos mo na, pumunta sa ibaba ng pahina, at pindutin ang Magpatuloy. (Mayroon ka ring ibang pagkakataong pindutin ang Hindi isang Tugma kung magpasya kang ang 2 ay hindi mga doble).
- Maglagay ng dahilan at ipaliwanag kung bakit mo pinagsama ang mga talang ito.
- Pindutin ang Pagsamahin.
Mga hakbang (Family Tree LIte)
Sa kasalukuyan, ang Family Tree Lite lang ang nagpapakita ng posibleng mga doble at hindi pinapayagan ang pagsasama.
Iminungkahing mga susunod na hakbang
- Kung mayroong kang maraming bukas na mga marka, sariwain ang iyong browser na tabing upang makita ang mga kinalabasan ng pagsasama.
- Tanggalin ang maling mga pagkukunan o mga memorya sa nanatiling tala.
- Repasuhin ang mga kasapi ng mag-anak ng tao, at hanapin ang posibleng mga doble.
Posibleng mga Dobleng Kamalian
Ipinapakita ng FamilySearch ang mensaheng "Mga Posibleng Dobleng Umiiral" kapag kinilala ng kaparaanan ang mga indibidwal na talaan na magkapareho ngunit hindi nakakabit sa parehong tao.
- Ang kamalian ay malamang na nauugnay sa isang mga partido sa isang kautusang pagbubuklod (asawa o magulang).
- Ang kamalian ay hindi nagsasaad ng pangalan o bilang ng ID ng taong may posibleng dobleng kalagayan.Siyasatin ang lahat ng mga kaugnayan. Tulad ng maaaring magkaroon ng mga dobleng tao, maaari ka ring makahanap ng mga dobleng kaugnayan.
- Kung ikaw ay gumagawa sa Family Tree Lite, alalahanin na sa kasalukuyang, ito ay hindi papayag sa iyong repasuhin ang mga posibleng doble. Maaari mong dalawin ang sentro ng FamilySearch o ibang pook at gamitin ang buong sipi ng FamilyTree.
Magkakaugnay na mga lathalain
Bakit ang pagsasama ay bigo sa Family Tree?
Paano ako magpapasiya kung ang dalawang tala sa Family Tree ay tungkol sa magkaparehong tao?
Paano ko tanggalin ang pagsasama sa Family Tree?
Paano ko isasama ang mga doble sa FamilyTree ayon sa ID?