Bakit nabibigo ang mga pagsasama sa Family Tree?

Hindi mo maaaring pagsamahin ang ilang mga tala sa Family Tree. Narito ang ilang mga kadahilanan:

  • Isang tala ay lalake, at yong isa ay babae.
  • Isang tala ay buhay, at yong isa ay patay.
  • Isang tala ay buhay o lihim at nagpapakita lang sa iyo, at ang ibang tala ay buhay din o lihim at nagpapakita lang sa ibang tagagamit.
  • Isang tala ay isang lihim na tao at nagpapakita lang sa iyo.
  • Ang isang rekord ay basahin-lang o may ibang mga kundisyon na pumipigil sa mga pagsasama.
  • Isang tala ay nakaugnay sa iba na bilang isang magulang o anak.
  • Isang tala ay pinagsama sa nakaraan at tinanggal na.
  • Kapuwa mga tala ay nakakabit sa parehong pagkukunan.
  • Pagkatapos ng pagsasama, ang nananatiling tala ay magkakaroon ng maraming mga asawa, mga magulang, mga anak, mga pagkukunan, mga memorya, mga paalaala, pagtalakay, o mga taong nasa "hindi tugma" na listahan.

Mga hakbang

  1. Tingnan kung maaari mong iwasto ang mga datos sa Family Tree na sanhi ng pagkabigo ng pagsasama.Kung kaya mo, subukang muli ang pagsasama.
  2. Kung kailangan mo pa ng tulong, kontakin kami.Maghanda na ibigay ang sumusunod na kabatiran:
    • Ang bilang ng ID, pangalan, kapanganakan, at bayang sinilangan sa mga talang gusto mong pagsamahin. Hindi lahat ng mga tala ay naglalaman ng lahat nitong kabatiran, kaya magbigay ka hanggang sa iyong kakayanan.
    • Ang kaugnayan mo sa mga tao
    • Kung bakit sa pakiwari mo ay dapat na pagsamahin ang mga tala.

Magkakaugnay na mga lathalain

Ano ang mga basahin-lang na mga tala sa Family Tree?
Ano-ano ang mga datos na hangganan para sa mga tao sa Family Tree?
Bakit ang mga taong patay ay nasa listahan ko ng Pribadong Mga Tao sa Family Tree?

moduleTitle