Paano ko ime-merge ang mga duplikado sa Family Tree ayon sa ID?

Share

Sa Family Tree, maaaring hindi mailista ng Mga Posibleng Duplikado na feature ang lahat ng duplikadong rekord ng isang tao. Kung alam mo ang ID number ng isang duplikado na hindi nakalista, maaari mo itong gamitin upang mai-merge ang mga rekord. 

Bago ka magsimula

Kunin ang ID number ng rekord na ime-merge. Kapwa ang mga rekord ay dapat nasa parehong tree kung ililipat mo ang mga ito, halimbawa, kapwa nasa pampublikong tree, kapwa nasa iyong pribadong tree, o kapwa nasa parehong family group tree.

Mga Hakbang (website)

  1. Sa menu sa itaas, pindutin ang Family Tree, at pagkatapos ay pindutin ang Tree.
  2. Kung kailangan, lumipat sa tree kung nasaan ang mga duplikado.
  3. Hanapin ang taong gusto mong i-merge.
  4. Pindutin ang pangalan ng tao. Sa mga detalyeng lilitaw, muling pindutin ang pangalan ng tao. Dadalhin ka sa pahina ng taong iyon.
  5. Pindutin ang Mga Detalye na tab.
  6. Pindutin ang I-merge ayon sa ID. Ito ay matatagpuan sa Tools na bahagi, sa may kanang panig ng pahina. 
  7. Ilagay ang ID number gamit ang malalaking titik at gitling. 
  8. Pindutin ang Magpatuloy. Ang merge screen ay magbubukas sa isang bagong browser tab.
    • Kaliwang panig: Ito ay isang posibleng duplikado. Ito ay mabubura kung ime-merge mo ang mga rekord.
    • ​​Kanang panig: Ito ang rekord na pinagsimulan mo. Ito ay mase-save kung ime-merge mo ang mga rekord.
  9. Magpasiya kung ang mga rekord ay tungkol sa parehong tao. 
    1. Paghambingin ang mga kaliwa at kanang panig para sa mga tugmang pangalan, petsa, lugar, at miyembro ng pamilya. 
    2. Basahin ang anumang mensaheng babala sa screen.  
    3. Kung ang rekord sa kaliwa ang pinakatumpak, ulitin ang proseso ng pagme-merge mula sa pahina ng taong iyon nang sa gayon ay ang kanyang rekord ang mai-save. 
    4. Kung ang mga rekord ay hindi tungkol sa parehong tao, pindutin ang Hindi Katugma. Kung ang mga rekord ay tungkol sa parehong tao, pindutin ang Oo, Magpatuloy. Kung hindi ka sigurado, pindutin ang I-cancel
  10. Sa natirang rekord, rebyuhin ang lahat ng impormasyon na may berdeng background. Ang naka-highlight na impormasyon ang makokopya sa natirang rekord kapag kinumpleto mo ang pagme-merge. Kung ang impormasyong ito ay hindi dapat mai-save sa natirang rekord, pindutin ang I-undo.
  11. Pindutin ang Magpatuloy
  12. Tapusin ang pagme-merge: 
    1. Rebyuhin ang natirang rekord. 
    2. Kung mukhang tumpak na ang lahat, pindutin ang Tapusin ang Pagme-merge
    3. Upang maipaliwanag kung bakit mo i-minerge ang mga rekord na ito, pumili ng isang iminumungkahing pahayag ng rason, o hindi kaya ay maglagay ng iyong sariling rason.
  13. Pindutin ang I-save.  

Pagkatapos na pagkatapos ng pagme-merge at sa loob ng maikling panahon, available ang “i-undo” na opsiyon. Tutulutan ka nito na mabilis na tanggalin ang pagkaka-merge ng 2 rekord.                   

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Sa Family Tree mobile app, ipakita ang pahina ng tao ng isa sa mga duplikadong rekord.
  2. Kung kailangan, lumipat sa tree kung nasaan ang mga duplikado.
  3. Pindutin ang tatlong tuldok sa kanang sulok sa itaas. 
  4. Pindutin ang Mga Posibleng Duplikado.
    • Pindutin ang I-merge ayon sa ID
    • Ilagay ang ID number gamit ang malalaking titik at gitling, at pindutin ang Magpatuloy
    • Pindutin ang Rebyuhin ang Pagme-merge
    • Basahin ang babala, at pindutin ang Magpatuloy sa Pagme-merge. Ang screen ng pagme-merge ay lilitaw. 
      • Kaliwang panig: Ito ay isang posibleng duplikado. Ito ay mabubura kung ime-merge mo ang mga rekord. 
      • Kanang panig: Ito ang rekord na pinagsimulan mo. Ito ay mase-save kung ime-merge mo ang mga rekord. 
    • Magpasiya kung ang mga rekord ay patungkol sa iisang tao. 
      • Paghambingin ang mga kaliwa at kanang panig para sa mga tugmang pangalan, petsa, lugar, at miyembro ng pamilya. 
      • Kung ang rekord sa kaliwa ang pinakatumpak, pindutin ang Ilipat upang ito ang maitabi. 
    • Magpasiya kung itatabi ang anumang impormasyon mula sa taong buburahin. 
      • Upang mailipat ang impormasyon mula sa kaliwa papunta sa kanan, pindutin ang Palitan
      • Upang makapagdagdag ng impormasyon mula sa kaliwa papunta sa kanan, pindutin ang Idagdag
      • Mungkahi: Kung ang rekord sa kaliwa ay naglalaman ng mga duplikadong magulang, asawa, o anak, idagdag ang mga ito sa natirang rekord. Maaari mong i-merge ang mga duplikadong ito kalaunan. 
    • Kapag natapos ka, mag-scroll pababa sa pinakailalim ng pahina, at pindutin ang Magpatuloy sa Pagme-merge
    • Maglagay ng rason upang maipaliwanag kung bakit mo i-minerge ang mga rekord na ito. 
    • Pindutin ang I-merge.

    Paalala: Ang iOS version ng app ay may opsiyon lamang na Palitan ang impormasyon sa halip na Ilipat o Idagdag ito.

    Mga Hakbang (Family Tree Lite)

    Sa kasalukuyan, ang Family Tree Lite ay hindi nagtutulot ng pagme-merge. Mag-sign in sa FamilySearch website o sa Family Tree mobile app upang maipagpatuloy ang proseso ng pagme-merge.   

    Mga iminumungkahing susunod na hakbang

    1. Tanggalin ang mga maling source o alaala mula sa natirang rekord. 
    2. Rebyuhin ang mga miyembro ng pamilya ng tao upang makita kung may mga posibleng duplikado rin sila.

    Mga kaugnay na artikulo

    Paano ko ime-merge ang mga posibleng duplikado sa Family Tree?
    Paano ko mahahanap ang isang yumaong tao sa Family Tree?
    Paano ako magpapasiya kung ang 2 rekord sa Family Tree ay tungkol sa parehong tao?
    Paano ko matatanggal ang pagkaka-merge sa Family Tree?

    Nakatulong ba ito?