Paano ko matatanggal ang pagkaka-merge sa Family Tree?

Share

Dahil lubos na kolaboratibo ang FamilySearch, ang ilang mga gumagamit ay nagkakamali sa pagme-merge ng mga profile ng dalawang magkaibang tao sa iisang profile. Ang maling mga merge ay maaaring magdala ng maraming problema sa isang family line. Ang pinakamahusay na paraan upang iwasto ang mga ito ay ang i-undo ang merge.

Kung ina-undo mo ang merge gamit ang FamilySearch website, maaari mong gamitin ang merge analysis tool para ihambing ang mga profile bago at pagkatapos ng merge. Hindi available ang merge analysis sa Family Tree mobile app.

Bago mo i-undo ang isang merge, maghanap ng mga pahiwatig na magkaibang tao talaga ang dalawang profile.

  • Huwag umasa sa mga pangalan lamang. Maraming tao ang may parehong mga pangalan, kahit na sa loob ng isang pamilya.
  • Hanapin ang mga pagkakaiba sa kapanganakan, kamatayan, at iba pang mga pangyayari sa buhay.
  • Tingnan ang mga source at maghanap ng mga pagkakaibang hindi mabigyang-katwiran.
  • Ihambing ang mga pangalan at event information ng mga kamag-anak. Maghanap ng malalaking pagkakaiba sa mga edad o iba pang mga bagay na hindi mabigyang-katwiran.

Mga Hakbang (website)

  1. Sa menu sa itaas, pindutin ang Family Tree, at pagkatapos ay iklik ang Tree.
  2. Hanapin ang taong gusto mong i-undo ang merge.
  3. Iklik ang pangalan ng tao.
  4. Sa side sheet, iklik ang Tao.
  5. Iklik ang tab na Mga Detalye.
  6. Hanapin ang Latest Changes box.
  7. Iklik ang Ipakita Lahat .
  8. Tingnan ang pinakakaliwang column para mahanap ang pagbabagong may label na “Merge.” Kung mahaba ang listahan, iklik ang Filter, at piliin ang Merge.
  9. Iklik ang Merge Analysis.
  10. Paghambingin ang impormasyon sa unang dalawang column upang mapagpasyahan kung ang mga profile ay tungkol sa iisang tao o tungkol sa magkaibang tao.
  11. Tumingin sa kaliwang-itaas na bahagi. Kung aktibo ang Undo Merge na button, nangangahulugan ito na ang merged profile ay hindi nabago mula nang gawin ang merge. Sundin ang mga hakbang na ito:
    1. Iklik ang Tanggalin ang Pag-merge.
    2. Sa panel na bubukas, magtala ng dahilan na nagpapaliwanag kung bakit mo ina-undo ang merge.
    3. Kung kinakailangan, i-deselect ang Markahan ang mga taong ito bilang hindi tugma. Sa karamihan ng mga kaso, dapat mong iwanang naka-on ang opsiyong ito upang maiwasang magkamaling maulit muli ang merge na ito.
    4. Iklik ang Isumite.
  12. Kung hindi aktibo ang Undo Merge button, nangangahulugan ito na ang profile ay binago pagkatapos ng merge. Sundin ang mga hakbang na ito upang matiyak na ang bawat profile ay magkakaroon ng tamang impormasyon:
    1. Iklik ang pangalan ng tao sa unang column, na may label na “Na-delete na Tao Bago ang Merge.”
    2. Iklik ang Tao.
    3. Iklik ang Ibalik ang Tao.
    4. Magtala ng dahilan.
    5. Iklik ang Ibalik.
    6. Muling rebyuhin ang dalawang record. Tiyakin na bawat isa ay mayroong wastong impormasyon. Sa ilang kaso, kailangan mong magbura ng impormasyon mula sa isang record at idagdag ito sa isa pa.

    Mga Hakbang (mobile app)

    1. Pumunta sa taong nai-merge.
    2. Sa upper right, pindutin ang 3 tuldok
    3. Android: Pindutin ang Pagbabago Kamakailan. Apple iOS: Pindutin angMore, at pagkatapos ay ang Pagbabago Kamakailan.
    4. Maghanap ng isang pagbabago na naka-outline nang berde (iOS) o asul (Android). Sa tuktok ng pagbabago, pansinin ang salitang “Merge”.
    5. Pindutin ang Tanggalin ang Merge. Kung hindi mo ma-undo ang merge, wala kang makikitang Unmerge button.
    6. Ipaliwanag kung bakit, at pindutin ang Tanggalin ang Merge.
    7. Ang kahon ay kulay brown na ngayon at nagsasabing “Tanggalin ang Merge.” Para rebyuhin ang impormasyon sa ipinanumbalik na record, pinduting ang pangalan sa ilalim ng Na-restore na Tao.

    Mga Hakbang (Family Tree Lite)

    Ang Family Tree Lite ay hindi nagbibigay ng opsiyong nagpapahintulot sa iyo na malutas ang maling mga merge.

    Mga kaugnay na artikulo

    Paano ko ipapakita na ang mga duplicate ay hindi magkatugma sa Family Tree?
    Paano ko aayusin ang isang merge na may mga impormasyon mula sa iba’t ibang mga tao sa Family Tree?

    Nakatulong ba ito?