Paano ko aayusin ang pagsasama na may mga kabatiran mula sa maraming tao sa Family Tree?

Malalaman mo na nakakabagot ang pagwawasto ng mga maling tala.Saklaw ng FamilySearch ang proseso para sa pagtanggal ng pagsasama o pagpapanumbalik ng isang tao sa Family Tree. Ito ay magbibigay sa iyo ng kakayahang maisaayos ang mali o hindi sinadyang pagsasama ng mga tala.

Para sa mga detalyadong hakbang kung paano ito gagawin at ang mga sumusunod na mungkahi, tingnan ang mga lathalaing ka-ugnay sa ibaba.

Narito ang ilang mga tulong para sa paglutas ng mga tala na naglalaman ng kabatiran tungkol sa maraming tao.

Mga palatandaan sa masamang pagsasama sa Family Tree.

  • Ang bahagi na Ibang Kabatiran ng pahinang Mga Detalye para sa isang tao ay naglalaman ng maraming mga kahaliling mga pangalan, ilan sa mga ito ay lubos na kaiba sa tunay na pangalan ng tao.
  • Ang bahagi na Mga Kasapi ng Mag-anak ay naglalaman ng mga asawa, mga anak, at mga magulang na hindi kabilang sa taong iyan.
  • Ang Pinakahuling Mga Pagbabago ay nagpapakita na tinanggal ng isang tao ang mga kahaliling mga pangalan.
  • Humanap ng mga talakayan para sa ninuno.
  • Ang mga pinagmulan o mga memorya ay para bagang tungkol sa iba-ibang mga taong may pare-pareho o magkakatulad na mga pangalan.

Pag-ayos ng mga tala

  1. Kilalanin ang lahat ng may kinalaman sa mga katotohanan upang maunawaan ang saklaw ng suliranin.
    • Magsaliksik at magtipon ng maraming kabatiran hanggat maaari para sa bawat isang tao.
    • Kilalanin kung anong kabatiran ang pag-ari ng taong kinakatawan sa iyong family tree at kung ano ang dapat mong ilipat sa ibang tala. Mas mabuti ang magsaliksik at hindi manghula.Ang iyong pananaliksik ay nagbibigay sa iyo ng mga mapagkukunan upang dagdagan ang pagpapatunay sa mga pagbabago.
    • Patunayan ang mahalagang kabatiran para sa bawat isang tao.
    • Magsaliksik upang makita kung ibang tala ay umiiral na sa isang nasa mga taong pinagsama ng mali Huwag lumikha ng dobleng tala, kung maaari.
    • Magdagdag ng mga pagkukunan at pahayag na mga dahilan upang matulungan ang ibang mga taga-ambag na maabot ang wastong mga kapasiyahan. Pumili ng pamantayang mga petsa at lugar.
    • Maingat na muling suriin ang lahat ng nakakabit na mga pinagmulan, at tiyaking nakakabit ang mga ito sa wastong tala pagkatapos mong tanggalin ang pagsasama ng 2 tala.
    • Panatilihin ang maingat na pag-tala upang makatulong na maiwasan ang pagkalito habang hinahanap mo ang maling pinagsamang mga tao.
  2. Lumikha ng isang panibago, hindi nakaugnay na tao na ang tala ay naglalaman ng lahat ng tamang kabatiran.
    • Lumikha ng isang panibagong tala para sa bawat isang taong ang kabatiran ay nagdulot ng kaguluhan sa tala ng ninuno upang paghiwalayin ang mga hanay. Subaybayan ang mga ID para madali kang makalipat sa pagitan ng mga tala habang gumagawa ka.
    • Ilipat ang angkop na kabatiran sa wastong tala ng tao.
    • Ilipat ang angkop na mga pinagmulan at mga memorya sa wastong tala ng tao.
    • Tiyakin na ang bawat tala ay may wastong mga kaugnayan sa mga asawa, mga anak, at mga magulang.
  3. Tanggalin ang anumang maling mga kaugnayan.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ako magdaragdag ng hindi nakaugnay na tao sa Family Tree?
Ang aking ninuno sa Family Tree ay nakaugnay sa parehong magulang nang doble
Paano ko aalisin ang isang pagsasama sa Family Tree?
Paano ko magagamit ang katangiang mga talakayan sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?