Paano ko ipapakita na ang mga duplicate ay hindi magkatugma sa Family Tree?

Kapag ipinahiwatig ng isang tao na ang 2 rekord ay hindi makatugma, hindi na imumungkahi ng Family Tree na posibleng mga duplicate ang mga ito.

Mga Hakbang (website)

  1. Mag-sign in sa FamilySearch, at pagkatapos ay i-klik ang Family Tree.
  2. I-klik ang Tree.
  3. I-klik ang pangalan ng tao at pagkatapos i-klik ang Tao. Kung ang tao ay wala sa pedigree view, gamitin ang Hanapin upang makapunta sa pahina ng tao.
  4. Sa Tulong sa Pagsasaliksik sa kanang bahagi ng screen, i-klik ang Ipakita Lahat.
  5. I-klik ang Posibleng mga Duplicate.
    • Kung sigurado ka na ang rekord ay tungkol sa ibang tao, i-klik ang Hindi Magkatugma.
    • Kung gusto mong paghambingin ang posibleng mga duplicate na mas detalyado, i-klik ang Muling Suriin ang Pagsasama, at paghambingin ang mga rekord. Kung papasiyahan mo na ang mga rekord ay hindi magkatugma, i-klik ang Hindi Magkatugma.
  6. Maglagay ng dahilan kung bakit hindi magkatugma ang mga rekord.
  7. I-klik ang I-save

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Sa Family Tree mobile app, i-klik ang Tree.
  2. I-tap ang indibidwal, o i-tap ang magnifying glass icon.
  3. Apple: Sa ilalim ng kanang sulok ng tabing, i-tap ang 3 tuldok.
  4. I-tap ang Posibleng mga Dulplicate.
  5. Sa ilalim ng partikular na duplicate, I-tap ang Hindi Magkatugma.
  6. Ipaliwanag kung bakit, at i-tap ang Hindi Magkatugma. Kung hindi mo tiyak, i-tap ang Kanselahin o kaya ang pabalik na arrow.
  7. Lilitaw na ngayon ang duplicate sa tab na Hindi Magkatugma.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Pinahihintulutan lamang kayo ng Family Tree Lite na makita ang listahan ng Mga Posibleng Duplicate.  

Kaugnay na mga artikulo

Paano ko tatanggalin ang posibleng duplicate sa listahang Hindi Magkatugma sa Family Tree?
Paano ako magpapasya kung ang 2 rekord sa Family Tree ay tungkol sa parehong tao?
Paano ko ime-merge ang mga posibleng duplicate sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?