Maaari mong mahanap ang mga yumaong tao sa Family Tree. Maaari kang maghanap gamit ang pangalan, kasarian, lahi, kapamilya, o impormasyon ng isang kaganapan. Maaari ka ring maghanap sa pamamagitan ng ID.
Mahahanap mo lamang ang mga buhay na tao sa Family Tree kung ikaw ang nagpasok sa kanila sa Tree at hinanap sila sa pamamagitan ng ID.
Ang feature na Recents o Kamakailan Lang ay available pagkatapos mong mag-sign in. Gamitin ang recents para mabilis na ma-access ang mga Family Tree profile na tiningnan mo kamakailan.
Mga Hakbang (website)
- Mag-sign in sa FamlySearch.org, at gawin ang isa sa mga sumusunod:
- I-klik ang Family Tree, at pagkatapos ay i-klik ang Maghanap.
- I-klik ang Maghanap, at pagkatapos ay i-klik ang Family Tree.
- I-klik ang tab para sa uri ng paghahanap na gusto mong gamitin:
- Maghanap ayon sa Pangalan. Ipasok ang pangalan at ibang impormasyon.
- Magagamit mo ang mga wildcard sa pangalan ng mga tao at mga lugar. Ilagay ang * upang mapalitan ang zero o marami pang mga character. Ipasok ang ? upang mapalitan ang isang character.
- Para makita pa ang karagdagang mga search field, i-klik ang Mas Maraming Opsiyon:
- Ipakita ang eksaktong mga opsiyon sa paghahanap.
- Magdagdag ng karagdagang mga field para sa mga pangalan pagkatapos magpakasal, iba pang alternatibong pangalan, kasarian, at lahi.
- Magdagdag ng mga field para sa partikular na mga kaganapan, tulad ng kapanganakan, kasal, tirahan, o kamatayan. Ang paghahanap gamit ang kapanganakan ay maghahanap ng impormasyon para sa kapanganakan at christening. Ang paghahanap gamit ang kamatayan at maghananap ng impormasyon para sa kamatayan at libing.
- Maghanap ayon sa ID. Ipasok ang Family Tree ID.
- Maghanap ayon sa Pangalan. Ipasok ang pangalan at ibang impormasyon.
- I-klik ang Maghanap
- Rebyuhin ang mga resulta.
- Kung hindi mo makita ang taong gusto mo, palitan ang ipinasok mong impormasyon:
- Gawin ang iyong mga pagbabago sa panel sa kanan.
- I-klik ang Maghanap
- Muling suriin ang mga resulta.
- Sa mga resulta ng paghahanap, i-klik ang pangalan ng tao upang makita ang kanyang person card.
- Para makita ang buong profile, sa person card, i-klik ang pangalan.
Maaari mo ring gamitin ang Recents feature para Maghanap ayon sa Pangalan o Maghanap ayon sa ID.
- I-klik ang Recents.
- Magpasok ng impormasyon sa box na Magpasok ng Pangalan o ID.
- Kapag nagpasok ka ng pangalan, ang system ay maghahanap lamang ng mga pangalan sa iyong listahan ng Mga Taong Tiningnan Kamakailan, na may maximum na 50 resulta.
- Kapag nagpasok ka ng ID at ik-in-lik ang Tumuloy, maghahanap ang system sa buong database ng FamilySearch.
Mga Hakbang (mobile app)
- Sa Family Tree mobile app, magpunta sa pedigree view.
- I-tap ang magnifying glass icon.
- I-tap ang uri ng paghahanap na gagamitin mo:
- Maghanap ayon sa Pangalan. Magpasok ng pangalan. Kung alam mo ang kasarian, i-tap ang Lalaki o Babae. Kung gusto mong magdagdag ng impormasyon tungkol sa kapanganakan, kamatayan, o kasal, i-tap ang naaangkop na field, at ipasok ang impormasyon.
- Maghanap ayon sa ID. Ipasok ang Family Tree ID ng indibiduwal.
- I-tap ang Hanapin. Makikita mo ang Mga Taong natagpuan sa shared Family Tree (ang pinakaunang 24 na resulta).
- Rebyuhin ang mga resulta ng paghahanap at i-tap ang pangalan ng tao.
- Kung hindi mo makita ang taong gusto mo, i-tap ang back arrow nang dalawang beses at baguhin ang mga salitang hinahanap mo.
Mga Hakbang (Family Tree Lite)
- Mag-sign in sa Family Tree Lite (lite.fs.org) at i-tap ang Find.
- I-tap ang uri ng paghahanap na gagamitin mo:
- Pangalan Ipasok ang pangalan, kasarian, at ibang impormasyon.
- ID. Ipasok ang Family Tree ID ng isang indibiduwal.
- History Tingnan ang 50 pinakabagong mga taong tiningnan mo. Upang matingnan ang isa, i-tap ang pangalan.
- I-tap ang Hanapin.
- Rebyuhin ang mga resulta.
- Kung hindi mo natagpuan ang taong gusto mo, i-tap ang Refine Search upang mabago ang mga pamantayan mo sa pananaliksik.
- Sa mga resulta ng paghahanap, i-tap ang pangalan ng tao.
Kaugnay na mga artikulo
Paano ko madaling makokopya ang bilang ng ID ng tao sa Family Tree?
Saan ako makakakuha ng tulong para sa aking genealogy?