Paano ko makikita ang aking mga ambag sa Family Tree?

Share

Sa Family Tree, gamitin ang katangian na Aking Mga Ambag upang makita kung gaano karaming kabatiran ang idinagdag mo, isang listahan ng iyong mga pagbabago, at ang nabubuhay at lihim na mga taong idinagdag mo.

Mga Hakbang (website)

  1. Pumunta sa FamilySearch.org at lumagda.
  2. Sa tuktok ng tabing, pindutin ang marka ng Family Tree, pagkatapos ay pindutin ang Aking Mga Ambag.
  3. Upang makita kung gaano karami ang mga pagkukunan, mga memorya, at mga taong idinagdag mo, pindutin ang Stats. Pagkatapos ay pindutin ang pagpipilian para sa uri ng kabatiran na nais mong makita. Ang iyong stats ay nagmula sa pagbabago ng kasaysayan sa Family Tree, na opisyal na nagsimula noong 2012. Hindi ka makakakita ng anumang mga estadistika bago noon.
  4. Upang makita ang mga pagbabagong ginawa mo sa mga tao at mga kaugnayan sa Family Tree, pindutin ang Aking Mga Pagbabago. Sa kaliwang tuktok, pindutin ang Mga Pagpipilian upang gamitan ng sala ang listahan ng mga pagbabago.
  5. Upang makita ang buhay at lihim na mga taong idinagdag mo, pindutin ang Pansariling Mga Tao.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Habang naka-sign in sa Family Tree mobile app:

    • Apple iOS: Sa kanang ibaba sa sulok, pindutin ang tatlong guhit(Marami pa).
    • Android: Sa kaliwang sulok sa tuktok, pindutin ang tatlong guhit.
  2. Pindutin ang Aking Mga Ambag.
  3. Upang makita kung gaano karaming mga pagkukunan, memorya, at mga taong idinagdag mo, pindutin ang Stats. Pagkatapos ay pindutin ang pagpipilian para sa uri ng kabatiran na gusto mong makita. Ang iyong stats ay nagmula sa pagbabago ng kasaysayan sa Family Tree, na opisyal na nagsimula noong 2012. Hindi ka makakakita ng anumang mga estadistika bago noon.
  4. Upang makita ang isang listahan ng mga pagbabagong ginawa mo sa mga tao at mga kaugnayan sa Family Tree, pindutin ang Mga Pagbabago.
  5. Upang makita ang mga buhay at kumpidensyal na tao na idinagdag mo:

    • Sa Android, pindutin ang Pansariling Mga Tao.
    • Sa Apple iOS, maglayag sa markang Kamakailan sa ibaba ng tabing, pagkatapos ay pindutin ang Pansariling Mga Tao.

Tandaan: Ang hitsura ng mga pindutan at elemento ng interface ng gumagamit ay maaaring mag-iba batay sa laki ng iyong screen at bersyon ng software.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Ang katangian ng Aking Mga Ambag ay kasalukuyang hindi magagamit sa Family Tree Lite.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano pinangangalagaan ng Family Tree ang kasarinlan ng mga taong buhay?
Paano ko makikita ang mga pagbabagong ginawa tungkol sa isang tao sa Family Tree?
Saan nagmula ang mga tao sa Pansariling Mga Taong listahan sa Family Tree?
Bakit hindi ko na nakikita ang isang lihim na tao sa aking Pansariling Mga Tao na listahan sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?