Saan nanggaling ang mga taong nasa aking listahan ng Pribadong mga Tao sa FamilyTree?

Share

Ang listahan ng Pribadong Tao ay kinikilala ang lahat ng mga buhay at lihim na mga taong nasa iyong pribadong puno (iyong puno ng “FamilySearch”).

Ang mga pangalan ng mga buhay at lihim na mga taong idinagdag sa isang puno ng pangkat ng mag-anak ay hindi idadagdag sa listahan ng Pribadong Mga Tao.

Mga taong buhay

Kapag nagdagdag ka ng isang buhay na tao sa iyong pribadong puno, ang taong iyon ay idadagdag sa listahan ng Pribadong Mga Tao. Ipinapakita rin ang buhay na mga tao sa listahang ito kung ang kanilang kabatiran ay pinagsama sa Salansan ng Ninuno.

Mga taong lihim

Ang mga tagapangasiwa ng kaparaanan ay maaaring magpasya na ang taong FamilyTree ay dapat na lihim. Kung idinagdag mo ang pangalan, ang tala ay lilipat sa iyong pansariling puno. Ang katayuan na buhay o patay ay hindi nakakaapekto sa lihim na mga talaan sa Puno ng Mag-anak.

Ang pangangailangan na gawing lihim ang tala ng isang tao ay bihira. Ang mga pamantayang kinailangan upang magtakda ng isang tala bilang isang lihim ay mataas, at ito ay isang katayuang hindi mo maaaring hilingin.

Paglipat sa sariling FamilyTree

Noong Agosto 2014, binago ng FamilySearch kung paano pangasiwaan ang kabatiran tungkol sa mga buhay at lihim na mga tao.

Sa panahon ng paglipat na ito, ang FamilySearch ay lumikha ng mga kopya ng mga buhay at lihim na mga taong ang mga datos ay maaari mong makita sa Family Tree. Inilagay namin ang mga kopya sa listahan ng Pribadong Mga Tao sa Family Tree, at makikita mo ang mga ito kapag ipapakita mo ang iyong kabatiran sa Family Tree.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano pinangangalagaan ng Family Tree ang kasarinlan ng buhay na mga tao?
Paano ko makikita ang aking mga ambag sa Family Tree?
Bakit wala na akong nakikitang tao sa listahan ng aking Pribadong Mga Tao sa Family Tree?
Paano ko aalisin ang isang buhay o lihim na tao mula sa aking listahan ng Pribadong Mga Tao sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?