Maaari ba akong magbahagi ng daan sa mga buhay at lihim na tao sa Puno ng Mag-anak?

Share

Upang magbahagi ng daan sa mga buhay at lihim na tao sa puno ng Mag-anak, lumikha ng pangkat ng puno ng mag-anak:

  1. Lumikha ng isang pangkat ng mag-anak, at buksan ang pagpipilian upang magdagdag ng isang pangkat ng puno ng mag-anak.
  2. Lumikha ng pangkat ng puno ng mag-anak. Tiyaking ang pangkat ng puno ng mag-anak ay naglalaman ng isang balangkas para sa lahat ng mga tagagamit na nangangailangan na magamit ito.
  3. Anyayahan ang mga tagagamit sa pangkat.

Narito ang ilang mga tulong habang tumutulong ka sa mga pangkat ng puno ng mag-anak:

  • Maaaring panatilihin ng bawat tagagamit ang mga buhay at lihim na tao sa parehong isang pansariling puno (ang Puno ng FamilySearch) at sa mga pangkat ng puno ng mag-anak. Ang pangkat ng puno ng mag-anak ay mag-la-laman ng isang kopya na may ibang Pagkakakilanlan.
  • Ang kopya sa pangkat ng puno ng mag-anak ay makikita sa lahat ng mga kasapi ng pangkat. Ang isang pansarili ay nananatiling nagpapakita lamang sa tagagamit na lumikha nito.
  • Kapag binago mo ang isang kopya, ang pagbabago ay hindi awtomatikong magagawa sa iba.
  • Pagkatapos mamatay ang isang tao, ang mga kasapi ng mag-anak ay dapat :
    • Idagdag ang kabatiran sa kamatayan sa kani-kanilang pansariling tala.
    • Idagdag ang kabatiran sa kamatayan sa kopya na ibinahagi sa pangkat ng puno ng mag-anak.
    • Pagsamahin ang mga doble.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano nilalagyan ng marka ang mga balangkas ng Puno ng Mag-anak bilang isang lihim?
Ano-ano ang mga pangkat ng mag-anak?
Ano-ano ang mga pangkat ng puno ng mag-anak?

Nakatulong ba ito?