Ang Family Tree ay nagdaragdag sa iyong listahan ng mga tao kung ipinanganak sila nang wala pang 110 taon mula sa araw na ipinasok mo ang impormasyon sa Family Tree at kung hindi ka pa nagpasok ng petsa ng kamatayan. Kung natukoy ng Family Tree na buhay ang isang tao, limitadong bilang lamang ng mga user ang maaaring makakita sa impormasyong iyon.
Impormasyon sa Family Tree
Kung ang tao ay nasa iyong FamilySearch Tree (ang iyong private tree), ikaw lamang ang maaaring makakita sa impormasyon sa mga tab na Details, Sources, Collaborate, Time Line, at Ordinances. Ikaw lamang ang maaaring makakita sa pedigree na kinabibilangan ng taong iyon.
Kung ang tao ay nasa isang family group tree, ang impormasyong iyon ay makikita ng lahat ng miyembro ng grupo.
Para makumpirma kung saang tree ka naroon, tingnan ang dulong kaliwa ng Family Tree menu.
Mga Alaala
Naka-default na lahat ng alaala—maging ang mga taong naka-attach sa mga taong buhay pa—ay maaaring makita ng publiko at maaaring mahanap:
- Maaaring i-share ang mga ito sa pamamagitan ng pag-link, social media, at e-mail.
- Matatagpuan ang mga ito sa pamamagitan ng isang topic tag search sa FamilySearch Memories.
- Matatagpuan ang mga ito sa paggamit ng Google at iba pang mga search engine.
Kung ito ay katanggap-tanggap, maaari mong iwanang public ang visibility setting ng alaala. Kung hindi, inirerekomenda namin na buksan mo ang alaala at baguhin ang visibility setting sa private (ikaw lamang) o limited access (mga miyembro lamang ng isang family group).
Tingnan lamang ang aming Submission Agreement bago magdagdag ng mga alaala sa FamilySearch.
Change history
Kung minsan, ang isang taong buhay pa ay naka-link sa isang taong patay na, na nakikita ng lahat ng FamilySearch user.
Kung na-merge o na-delete ng ibang user ang taong patay na, na nakikita ng publiko, ina-update ng FamilySearch ang change history ng taong buhay pa para ipakita na may pagbabagong ginawa sa relasyon sa pagitan ng taong buhay pa at ng taong patay na.
Maaaring ipakita ng update na ito ang contact ID ng user na nag-merge o nag-delete. Hindi nakita ng user na ito ang impormasyon tungkol sa taong buhay pa.
Kaugnay na mga artikulo
Sino ang nakakakita sa aking mga buhay pang kamag-anak sa Family Tree?
Paano natutukoy ng Family Tree kung buhay pa o patay na ang isang tao?
Paano pinoprotektahan ng Family Tree ang privacy ng mga taong buhay pa?
Nagiging pampubliko ba ang mga kumpidensyal na tao sa Family Tree?
Paano ko makikita ang listahan ng mga pribado at kumpidensyal na mga taong idinagdag ko sa Family Tree?
Paano ko magagawang private ang isang alaala?