Sino ang makakakita sa aking buhay na mga ninuno sa Family Tree?

Pinoprotektahan ng Family Tree ang privacy ng buhay na mga tao sa pamamagitan ng paglilimita sa mga puwedeng makakita sa kanilang mga rekord. Makikita mo lamang ang rekord ng isang buhay na tao kung ikaw ang gumawa ng rekord. Itinatago ng system ang mga rekord na ginawa mo tungkol sa buhay na mga tao mula sa iba pang mga tao, kabilang na sa mismong tao na nasa rekord at iba pang miyembro ng pamilya.

Bagama’t ang mga rekord ng Family Tree para sa mga buhay na tao ay personal, ang mga alaalang nakalakip sa mga ito ay maaaring makita ng iba.

Pagtukoy sa mga rekord ng mga buhay na tao sa Family Tree

Ang mga buhay na tao ay may Living Person banner sa itaas ng kanilang Tao na page. Sa mga bahagi kung saan makikita ang petsa ng kamatayan para sa isang taong yumao na, ang salitang “Buhay” ang makikita.

Kung ang isang tao ay hindi manu-manong minarkahan na buhay, ang system ay gumagamit ng mga patakaran para malaman kung maaaring buhay pa ang isang tao. 

Mga Church membership record

Ang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw kung minsan ay nakakakita ng mga buhay na kamag-anak. Ang impormasyong ito ay galing sa iyong Church membership record.

Paghahanap ng mga buhay na tao sa Family Tree

Hindi ipinapakita ng feature na Hanapin ang isang buhay na tao sa pamamagitan ng paghahanap gamit ang pangalan o ID number. Ang tanging eksepsyon ay kapag gumamit ka ng ID number para maghanap ng rekord ng isang buhay na tao na ikaw ang gumawa. Kung hindi mo alam ang ID number para sa isang buhay na tao, na idinagdag mo sa Family Tree, narito ang ilang opsiyon para mahanap ito:

  • Kung alam mo kung saan mahahanap ang tao sa tree, pumunta sa page ng tao.
  • Hanapin sa tree ang isang malapit na kamag-anak na yumao na. Magpunta sa page ng tao na gusto mong mahanap.

Kaugnay na mga artikulo

Paano pinoprotekatahan ng Family Tree ang privacy ng mga buhay na tao?
Sino ang makakakita ng mga item na ina-upload sa mga alaala?
Paano natutukoy ng Family Tree kung buhay o yumao na ang isang tao?

moduleTitle