Ano ang portrait pedigree view sa Family Tree?

Sa Family Tree, ang portrait view ang nagtatanghal sa iyong pedigree ng patayo. Ikaw at ang iyong mga inapo ay nasa ibaba. Ang iyong mga ninuno ay nasa ibabaw mo. Hindi mo makikita ang mga ninuno ng iyong asawa.

Ang portrait view ay maraming pakinabang:

  • Makikita mo ang maraming mga salinlahi ng isang mag-anak ng minsan.
  • Madali mong masusubaybayan ang isang hanay ng mag-anak ng pabalik o pasulong sa panahon.
  • Makikita mo ang mga pahiwatig na talaan, mga mungkahi sa pananaliksik, at mga suliraning datos.

Hindi mo makikita kung ang isang ninuno ay nakaugnay sa ibang mga asawa o magulang, maliban kung ang ninunong iyan ay nasa pangunahing katayuan sa puno. Pagkatapos isang maliit na paglayag na pana ang lilitaw sa loob ng tisa ng ninuno. Upang matingnan ang punong kabatiran para sa ibang asawa, pindutin ang paglayag na pana.

Mga Hakbang (website)

  1. Sa Family Tree sa FamilySearch website, pindutin ang Puno .
  2. Sa tuktok sa kaliwang bahagi ng pedigree view, pindutin ang pangalan ng kasalukuyang tanawin (Fan Chart, halimbawa), saka ang Portrait.
  3. (Pamilian) Upang mailipat ang ibang tao sa pangunahing katayuan, pindutin ang kaniyang pangalan, saka ang Puno.
  4. (Pamilian) Upang matingnan ang marami pang mga detalye tungkol sa isang tao sa puno, pindutin ang kaniyang pangalan, saka ang Tao.
  5. (Pamilian) Upang mailipat ang puno sa paligid ng tabing, pindutin ang likuran ng puno at kaladkarin ito.
  6. (Pamilian) Sa malapit sa kaliwang bahagi ng tabing, pindutin ang buton na Plus (+) o ang Minus na buton (-) upang mapalaki o mapaliit ang sukat ng puno.
  7. (Pamilan) Upang mapalawak ang isang hanay ng mag-anak sa 2 salunlahi, pindutin ang panang kasunod sa dulo ng hanay. Pindutin ang pana ulit upang maisara ito.
  8. (Pamilian) Upang baguhin ang pagkakatanghal ng portrait view, pindutin ang Mga Pamilian. Pagkatapos pindutin ang sumusunod:
    • Upang maitanghal ang mga ikong nagpapakilala kung aling tao ang may mga pahiwatig na tala, mga mungkahing pananaliksik, mga problemang datos, pindutin ang mga pamiliang gusto mo.
    • Upang maitanghal o maitago ang mga larawan, pindutin ang Portraits.
    • Upang mapalitan ang panukalang kulay mula sa liwanag sa madilim o madilim sa liwanag, pindutin ang Baligtarin ang Mga Kulay.
  9. (Pamilian) Upang maiprinta ang portrait pedigree, pindutin ang Mga Pamilian, saka ang Print. Kapag ang maipiprintang salin ay nagbukas sa bagong tab, pindutin ang browser's print feature upang maiprinta ito.

Mga Hakbang(mobil)

  1. Sa Family Tree mobile app, tapikin ang Puno.
  2. (Pamilian) Upang matingnan pa ang maraming detalye tungkol sa isang taong nasa puno, tapikin ang kaniyang pangalan.
  3. (Pamilian) Upang mailipat ang ibang tao sa pangunahing katayuan, tapikin ang kaniyang pangalan, saka ang ..., saka ang Tingnan ang Punong ito. Upang maibalik ka sa pangunahing katayuan, sa Android device, tapikin ang bahay na ikon sa kanan sa ibaba. SA isang iOS na device, tapikin ang pedigreeng ikon sa kaliwa sa ibaba.
  4. (Pamilian) Upang mailipat ang puno sa paligid ng tabing, tapikin ang pedigree, at kaladkarin ito.
  5. (Pamilian) Upang malaki o mapaliit ang sukat ng puno, tapikin ang pedigree at kurutin o iladlad ang iyong mga daliri.
  6. (Pamilian) Upang mapalawak ang isang hanay ng mag-anak sa 2 salinlahi, tapikin ang panang nasa ibabaw sa dulo ng hanay. Tapikin ang pana ulit upang maisara ito.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Ang Family Tree Lite ay walang portrait view.

Magkakaugnay na mga lathalain

Anu-ano ang mga iba't ibang pedigree views sa Family Tree?

moduleTitle