Kapag ginamit mo ang Family Tree sa FamilySearch.org website, maaari mong ilantad ang iyong family tree sa iba- ibang mga paraan. Ang iba't ibang mga pakita ay “mga tanawing angkan” o “mga tanawin”. Ang bawat isang tanawing angkan ay may mga kalamangan.
Paalaala: Upang piliin kung aling mga pananda ang ipinapakita sa iyong puno, pindutin ang Mga Pagpipilian sa kanang sulok sa tuktok ng bintana.
Tanawin
Ipinapakita ng tanawing tanawin ang iyong angkan nang pahalang, ikaw sa gitna, ang iyong mga inapo sa kaliwa, at ang iyong mga ninuno sa kanan.
Ang tanawing Tanawin ay magagamit lamang sa Family Tree sa website ng FamilySearch.org.
Mga Pakinabang:
- Makikita mo ang maraming mga salinlahi ng isang mag-anak ng minsanan.
- Maaari mong sundan ng hanay ng isang mag-anak ng pabalik o pasulong sa kalaunan.
- Makikita mo ang mga pahiwatig na tala, mga mungkahi sa pananaliksik, at suliraning mga datos.
- Kung idinagdag mo ang mga ninuno ng iyong asawa, ipinapakita ang mga ito sa tanawing Tanawin.
- Makikita mo ang mga asawa ng iyong mga anak.
- Makikita mo kung ang isang tao ay may kaugnayan sa ibang mga asawa o mga magulang.
- Maaari kang magdagdag ng mga tao, kasaysayan ng buhay, mga kaganapan, at katotohanan.
- Maaari mong kopyahin ang ID sa pamamagitan lamang ng pag-klik dito.
Larawan
Ang tanawing Larawan ay nagpapakita ng iyong angkan ng pataas. Ikaw at ang mga inapo mo ay nasa ibaba, samantalang ang iyong mga ninuno ay nasa tuktok.
Ang tanawing Larawan ay magagamit sa Family Tree sa website ng FamilySearch.org at sa Family Tree mobile app.
Mga kalamangan:
- Makikita mo ang maraming mga salinlahi ng isang mag-anak ng minsanan.
- Maaari mong sundan ng hanay ng isang mag-anak ng pabalik o pasulong sa kalaunan.
- Makikita mo ang mga pahiwatig na tala, mga mungkahi sa pananaliksik, at suliraning mga datos.
- Maaari kang magdagdag ng mga tao, kasaysayan ng buhay, mga kaganapan, at katotohanan.
- Maaari mong kopyahin ang ID sa pamamagitan lamang ng pag-klik dito.
Gayunman, hindi mo makikita ang napakaraming mga asawa o mga magulang para sa isang tao.
Pamaypay na Tsart
Ang tanawin ng Pamaypay na Tsart ay ipinapakita ka sa ibaba ng pamaypay. Ang iyong asawa at mga anak ay nagpapakita sa ibaba mo kasama ang iyong mga ninuno na ipinapakita habang pinakikilos mo ang pamaypay.
Makukuha ang Tsart na Pamaypay sa website ng FamilySearch.org at sa Family Tree mobile app.
Mga Pakinabang:
- Kaagad mong makikita hanggang sa 7 salinlahi ng iyong mga ninuno.
- Makikita mo kung saan magwawakas ang hanay ng mag-anak.
- Makikita mo kung gaano karaming mga larawan, mga paalaala, at mga pagpipilian mayroon ang isang tao.
Mga bagay na hindi mo makikita:
- Maramihang mga asawa o magulang para sa isang tao
- Mga ID ng Puno hanggang sa pindutin ang isang pangalan upang makita ang Tarheta ng Buod.
Inapo
Ipinapakita ng tanawing Inapo ang mga inapo ng mag-asawa. Ang tanawing Inapo ay magagamit lamang sa Family Tree sa website ng FamilySearch.org.
Mga Pakinabang:
- Makikita mo ang mga inapo ng iyong mga ninuno.
- Makikita mo ang mga pahiwatig na tala, mga mungkahi sa pananaliksik, at suliraning mga datos.
Unang Ninuno
Ang tanawin na Unang Ninuno ay isang angkan na nagpapakita ng mga lahi o lipi (tulad ng Intsik o Koreano).
Ang tanawin na Unang Ninuno ay magagamit lamang sa buong web.
Mga Pakinabang:
- Ang tanawin ay pinalaki para sa mga angkan na liping Intsik at mga katulad na hanay-ng-lalaking ninuno.
- Makikita mo ang mga pahiwatig na tala, mga mungkahi sa pananaliksik, at suliraning mga datos.
- Maaari kang magdagdag ng mga tao, kasaysayan ng buhay, mga kaganapan, at katotohanan.
- Kaagad mong makikita ang ilang salinlahi sa tabing.
- Maaari mong kopyahin ang ID sa pamamagitan lamang ng pag-klik dito.
Magkakaugnay na mga lathalain
Ano ang ginagawa ng tanawing Tanawin sa Family Tree?
Ano ang tanawing larawan ng angkan sa Family Tree?
Ano ang gawain ng tanawing inapo sa Family Tree?
Paano ko gagamitin ang tanawing pamaypay na tsart sa Family Tree?