Ano ang gawain ng descendancy view sa Family Tree?

Sa Family Tree sa FamilySearch website, ang descendancy view ay nagpapakita sa lahat ng mga ninuno ng isang tao sa listahan ng patayo. At saka, madali mong makikita o masasaliksik ang mga inapo ng iyong ninuno.

Mapapalawak mo ang mga salinlahi sa puno upang maipakita ang marami pang mga detalye. Pindutin ang buton naMga Pamiliansa kanang sulok sa tuktok ng tabing upang mapili ang iyong nakita: mga pahiwatig na tala, mga mungkahi sa pananaliksik, mga suliraning datos, mga larawan, at mga asawa (tingnan ang hakbang 7 sa ibaba).

Mga Hakbang (website)


  1. Sa Family Tree sa FamilySearch website, pindutin ang Puno.
  2. Sa kaliwang bahagi sa tuktok ng pedigree view, pindutin ang pangalan ng kasalukuyang tanawin(Landscape, halimbawa), saka Descendancy.
  3. (Pamilian) Pindutin ang bilang ng mga salinlahi upang mailantad.
  4. (Pamilian) Upang mapalitan ang tao sa tuktok ng talangguhit, gamitin ang mga pamiliang ito:
    • Upang pumili ng isang ninuno ng unang tao sa talangguhit, pindutin ang Magpalawak, at saka pindutin ang taong ginusto.
    • Upang piliin ang ibang taong nakalista kahi saan sa talangguhit, pindutin ang kaniyang pangalan, at saka ang Puno.
  5. (Pamilian) Upang mapalawak o maguho ang tanaw ng mga asawa at mga inapo ng taong ugat, pindutin ang mga pana.
  6. (Pamilian) Upang maitago o maipakita ang iba't ibang uri ng kabatiran, pindutin ang Mga Pamilian. Pindutin ang mga check boxesupang mabuksan o maisara ang kabatiran. (Tip: Isara ang mga larawan upang makita pa ang mga tao sa tabing ng minsanan.)
  7. (Pamilian) Kahit na ang descendancy view ay walang pamiliang maglimbag gaya ng ibang mga pedigree view, maaari mo pa ring gamitin ang iyong browser upang mailimbag ito. Simpleng diinan ang Ctrl+P. Kung gagamit ka ng Chrome, ang talangguhit ay maipiprinta sa kulay pati ang mga ikon. Ang Firefox ay hindi naglilimbag ng mga ikon.

Mga Hakbang(mobil)

Ang Family Tree mobile app ay walang descendancy view.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Ang Family Tree Lite ay walang descendancy view.

Magkakaugnay na mga lathalain

Anu-ano ang mga iba't ibang pedigree views sa Family Tree?

moduleTitle