Mga Genealogy
Ang mga FamilySearch Genealogy ay isang malaking directory ng mga family tree, na tinatawag ding mga angkan o pedigree, na ibinahagi ng mga tao at organisasyon sa FamilySearch. Inoorganisa namin ang mga impormasyon sa mga koleksyon at ginagawang available para masaliksik ninyo.
Tingnan ang isa sa aming mga koleksyon
Sa loob ng mga ito ay libu-libong makikita mong mga family tree na isinumite ng mga indibiduwal at mga propesyonal na organisasyon.
Hanapin ang isang partikular na tree
Hayaang tulungan ka naming matagpuan ang tree na hinahanap mo. Ipasok ang isang apelyido o lugar na may kaugnayan sa pamilya, at hahanapin namin ito sa lahat ng aming mga koleksyon.
Mga Community Tree
Isang pagsisikap na tipunin at ilathala ang genealogy para sa isang buong bayan o komunidad. Ito ay mga family tree, pati na ang kanilang sources, mula sa mga partikular na haba ng panahon at heograpikong lokasyon sa buong mundo.
Mga Oral Genealogy
Pinag-uusapang mga angkan at kasaysayan mula sa mga lugar sa buong mundo, lalo na sa Africa at Oceania. Ang FamilySearch ay ipinepreserba ang audio file at nagke-create ng family tree mula sa mga content nito.
Guild of One-Name Studies
Isang proyektong nakatuon sa partikular na mga apelyido at sa mga taong nagtataglay nito.
Mga Computer-Generated Tree
Isang koleksyon ng mga family tree na kine-create ng isang computer. Iniinterpret ng computer ang mga talaan ng kasaysayan para bumuo ng isang tree para sa isang partikular na lokasyon at panahon.
MyTrees.com
Isang saradong koleksyon ng mga family tree na na-create ng mga user sa MyTrees.com bago sumapit ang 2020.
RootsFinder
Isang lumalaking koleksyon ng mga family tree na nilikha ng mga user sa RootsFinder. May bagong impormasyong idinaragdag paminsan-minsan sa koleksyong ito.
American Ancestors
Mga family tree na na-create ng mga user sa AmericanAncestors. Ang koleksyon ay nagtatampok ng mga genealogy na may matitibay na kaugnayan sa New England region ng Estados Unidos.
Pedigree Resource File
Isang lumalaking koleksyon ng GEDCOM files na may daan-daang milyong pangalan. Kung ang iyong family tree ay nasa isang GEDCOM file, isiping ibahagi ito sa FamilySearch para masaliksik ng ibang tao ang mga content nito.
Ancestral File
Isang saradong koleksyon ng mga family tree at iba pang impormasyong isinumite sa FamilySearch bago sumapit ang 2003. Hanapin ang data na ito na walang source kapag walang available na mas bagong impormasyon.
Paano naiiba ang mga FamilySearch Genealogy sa FamilySearch Family Tree?
Ang mga genealogy ay isang database ng libu-libong mga personal na family tree, mga angkan, at iba pang mga kasaysayan. Ang FamilySearch Family Tree, kung ikukumpara, ay isang single tree o angkan para sa buong sangkatauhan.