Hanapin ang mga Rekord ng Kasaysayan
Ang mga rekord ay kinabibilangan ng mga pinagsama-samang papeles tungkol sa iyong mga ninuno at gagabay sa iyo para malaman mo ang mahahalagang detalye tungkol sa kanilang buhay. Magpasok ng pangalan, at hahanapin namin ito sa mga sertipiko ng kapanganakan, rehistro ng kasal, mga rekord ng census, at iba pang opisyal na mga dokumento.
Hanapin ang isang Koleksyon
Ang rekord ng iyong ninuno ay kabilang sa isang koleksyon ng mga katulad na dokumento—Mga Pagbibinyag sa Argentina, halimbawa, o United States Census, 1940. Ang paghahanap sa isang partikular na koleksyon ay isang paraan para mas mapadali ang iyong paghahanap. Kung hindi mo alam ang eksaktong pamagat ng koleksyon, magsimulang mag-type, at sisikapin naming tulungan ka.
Maghanap Ayon sa Lugar
Kailangan ng iba’t ibang estratehiya sa paghahanap sa iba’t ibang rehiyon sa mundo. Magpasok ng isang lugar, at ipapakita namin sa iyo ang tools at resources namin na makakatulong sa iyo na matuklasan ang iyong mga ninuno na tumira doon.
Ano ang isang rekord ng kasaysayan?
Ang isang rekord ng kasaysayan ay isang opisyal na dokumento na kumikilala sa isang pangyayari sa buhay ng isang tao. Kabilang sa mga halimbawa ang mga lisensya sa kasal, mga draft card, sertipiko ng kapanganakan, at mga rekord ng census.
Paano ako natutulungan ng mga rekord ng kasaysayan na malaman ang tungkol sa aking pamilya?
Ang mga rekord ng kasaysayan ay kadalasang naghahayag ng mahahalagang detalye tungkol sa kung saan nakatira o nagmula ang inyong pamilya, kung kailan isinilang o ikinasal ang mga miyembro ng pamilya, at kailan sila namatay.