Tumuklas gamit ang Full-Text Search 

Maghanap sa mga hindi pa nai-index na mga rekord ng kasaysayan upang makatuklas ng mga pangalan, petsa, at detalye na hindi mahahanap ng standard na paghahanap.

Hanapin ang isang partikular na koleksiyon

Gawing mas partikular ang nakukuhang mga resulta sa pamamagitan ng paghahanap sa loob ng isang koleksiyon ng mga rekord ng kasaysayan. Magsimulang mag-type, at magmumungkahi kami ng katugma na mga titulo.

hal. Alabama, Mga Will at Kasulatan, ca. 1700s-2017

Tingnan ang Lahat ng Koleksyon

Mga tip para sa matagumpay na paggamit ng full-text search

Masyado bang marami ang nakikita mong resulta? Subukan ang mga estratehiyang ito upang mas lumiit ang lawak ng paghahanap mo:

Hanapin ang eksaktong salita o parirala

Gamitin ang quotation marks o panipi. Halimbawa: “Henry Jones”

Magsama ng isang partikular na salita o parirala

Gamitin ang simbolo na +. Halimbawa: +Judith

Tanggalin ang isang partikular na salita o parirala

Gamitin ang simbolo na -. Halimbawa: -John

Hanapin ang iba’t ibang pagbaybay ng salita

Gamitin ang simbolo na?. Halimbawa: Ang Jens?n ay maglalabas ng Jensen at Jenson

Hanapin ang iba’t ibang anyo ng isang salitang ugat

Gamitin ang simbolo na *. Halimbawa: Ang Car* ay tutugma sa car, cars, carriage, carpenter, atbp.

Paano Gamitin ang FamilySearch Full-Text Search

Kadalasan, sapat na ang isang keyword upang makapagsimula. Pagkatapos, depende sa mga resulta, magdagdag o magtanggal ng mga salita o gumamit ng mga filter upang gawing mas partikular ang iyong paghahanap.

I-enter ang iyong mga keyword

Maaaring pangalan ito o ibang detalye na sa tingin mo ay makatutulong na mahanap ang iyong ninuno.

Gumamit ng mga filter upang maging mas tumpak

Makikita ang mga ito sa kaliwang bahagi ng screen, sa ilalim ng search terms.

Tingnan ang iyong nakuhang mga resulta

I-adjust ang mga filter hanggang sa makuha mo ang tamang balanse ng uri at dami.

Paano binabago ng Full-Text Search ang iyong pagsasaliksik

Magtipid ng oras at maghanap ng mga detalye na hindi mo mahahanap sa iba pang uri ng mga paghahanap.

  • Makakuha ng maagang access sa mga rekord sa pamamagitan ng paghahanap sa mga koleksiyong hindi pa nai-index.

  • Hindi ka ba sigurado sa pangalan ng iyong ninuno? Subukang maghanap gamit ang lugar, petsa, kaganapan, o iba pang detalye na maaaring konektado sa kanila.

  • Hanapin ang bawat salitang nilalaman sa rekord, kabilang ang anumang mga tala.

Mga Bagay na Madalas Itanong