Ang Aming Tapat na Pangako sa Accessibility

Nakatuon kami sa pagtiyak na ang aming mg sanggunian para sa genealogy ay madaling magagamit ng lahat ng tao, kabilang na ang mga may kapansanan.

Isinasaalang-alang ang Accessibility mula sa Simula

Isinasama ng FamilySearch ang accessibility sa pagdisenyo at paggawa ng aming website at mga application. Sinisikap naming makaayon saWeb Content Accessibility Guidelines (WCAG)upang matiyak na ang aming mga platform ay madaling tingnan, madaling gamitin, madaling maunawaan, at kayang magamit ng sinuman. Aktibo kaming nangangalap ng feedback mula sa aming mga user para matukoy ang maaari naming pagbutihin at patuloy na gawing mas mahusay ang aming mga digital tools para mas mapaglingkuran ang mga pamilya sa buong mundo.

Mga Accessibility Feature

Para masuportahan ang maraming magkakaibang pangangailangan, ang FamilySearch ay may mga feature na tulad ng:

  • Screen reader compatibility para sa mga user na bulag o malabo ang paningin.
  • Keyboard navigation support para sa mga user na may kapansanan sa paggalaw.
  • Closed captioning sa mga video content para sa mga user na may problema sa pandinig.
  • Accessible na mga format para sa mga genealogical record at mga resource, kabilang na ang mas maraming larawang ng mga rekord na may text-based transcription.

Nasisiyahan Ba Kayo sa Aming Serbisyo?

Kung nagkaroon ka ng problema sa accessibility habang ginagamit ang aming website o mga app o may mungkahi ka kung paano mas mapagaganda ang iyong karanasan, kontakin lamang kami sasupport@FamilySearch.org. Ang iyong feedback ay tutulong sa amin na gawing mas maganda pa ang FamilySearch.org para sa lahat ng bibisita rito.

Kontakin ang Support