
Sentro ng Katalogo sa Pag-aaral ng FamilySearch
Pag-aralan ang paggamit sa Katalogo ng FamilySearchupang hanapin ang mga aklat, mga materyales online, microfilm, microfiche, at mga paglilimbag na ginawang magagamit ng FamilySearch sa pamamagitan ng kaniyang website, Aklatan ng FamilySearch, at mga sentro ng FamilySearch sa sanlibutan.
Paggamit ng katalogo: mga lathalain
Learn about the new look and feel for the FamilySearch Catalog, which is the result of a recent upgrade.
Ang Katalogo na FamilySearch ngayon ay gumagamit ng mga pamantayang pangalan ng lugar. Tingnan kung ano ang nagbago, ang mga pakinabang ng pagbabago, at kung paano hahanap ng isang lugar na hindi na ginagamit ng katalogo.
Maghanap sa Katalogo ng FamilySearch upang mahanap ang mga aklat, online na mga larawan, microfilms, o ibang kabatiran upang tumulong sa kasaysayan ng iyong mag-anak at sa pananaliksik ng angkan.
Use filters in the FamilySearch Catalog to make it easier to locate specific records. The filters appear at the top of the results page.
Maaari mong gamitin ang listahang sulat sa Katalogo ng FamilySearch upang ipunin o lagyan ng markang-aklat ang mga bagay na nais mong gamitin sa ibang pagkakataon sa inyong pagsasaliksik.
Upang mag-ulat ng isang kamalian, maaari kang magbigay ng kahilingan sa pagwawasto para sa Katalogo ng Aklatan ng FamilySearch.
Ang mga bahaging Paalaala at Pelikula/Digital na paalaala ay nagbibigay ng mahalagang kabatiran tungkol sa aming mga tala.
Pag-aralan ang tungkol sa hindi na-indeks na mga microfilms at kung paano makikilala ang mga ito sa katalogo.
Maaari mong gamitin ang FamilySearch Catalog upang malaman ang tungkol sa mga makasaysayang talaan, kabilang ang mga maaari mong hanapin at tingnan sa aming site.
Minsan-minsan hindi namin ipinapakita ang digitized na nilalaman dahil sa kontrata, kasarinlan ng mga datos, o ibang mga pagbabawal mula sa mga taga-alaga ng tala.
Ang mga patnugot ng Sentro ng FamilySearch ay maaaring makipag-ugnayan sa suporta upang magdagdag ng isang sentro sa mga puwedeng pagpipilian sa Katalogo ng FamilySearch.
Maaari ba akong bumili ng isang aklat na nakalista sa Aklatan na Digital o Katalogo ng FamilySearch?
Upang bumili ng isang aklat na nakalista sa Digital o Katalogo ng FamilySearch, iminumungkahi namin ang pagbili nito sa pamamagitan ng isang nagbebenta ng aklat o iba pang mga mapagkukunan.
Kung ang mga larawan ng mga talang pangkasaysayan ay hindi nasuri bago ilathala, ang Katalogo ng FamilySearch ay may paalaala na “Ito ay isang paunang paglalarawan.”
Kapag ang isang aklat sa Katalogo ng FamilySearch ay wala sa aklatang digital, maaari mong subukan ang ilang mga pagpipilian upang makuha ito sa iba-ibang paraan.
Gamitin ang mga pagpipilian sa Pagkakaroon sa Katalogo ng FamilySearch upang mahanap ang mga bagay batay sa kung ang mga ito ay online o sa isang aklatan ng FamilySearch o sentro.
Paggamit ng katalogo: mga bidyo
In this segment you will learn how to use the FamilySearch Catalog.
This is part of a series on Helping Others Get Started with Family History. This course is designed for consultants, helpers and anyone who wants to learn more about doing family history research. The research process is the key to successful and accurate family history work. In this lesson, you will learn how to use the FamilySearch Catalog to locate records for your ancestors.
Madalas na mga katanungan
Ano ang Katalogo ng FamilySearch?
Ang Katalogo ng FamilySearch ay isang malawak na gabay sa mga talaan ng lahi at pagkukunan na kinolekta ng FamilySearch. Saklaw ng katalogo ang mga materyales na magagamit sa mga aklatan at mga sentro ng FamilySearch sa sanlibutan. Tampok ng katalogo ang malawak na iba-ibang mga tala, tulad ng:
Mula noong 2014, nagagamit din ang Katalogo ng FamilySearch sa pamamagitan ng OCLC WorldCat, isang pandaigdigang katalogo na ugnay sa higit na 72,000 mga aklatan sa 172 mga bansa. Naglilista ang OCLC WorldCat nang higit sa 2 bilyong mga tala.
- Mga tala ng kapanganakan, kasal, at kamatayan
- Mga tala ng sensus
- Mga rehistro ng Simbahan
- Mga aklat at mga diyaryo
- Mga larawan at mga kasaysayan ng mag-anak
- At maraming pang ibang mga pagkukunan ng kabatiran ng angkan
Mula noong 2014, nagagamit din ang Katalogo ng FamilySearch sa pamamagitan ng OCLC WorldCat, isang pandaigdigang katalogo na ugnay sa higit na 72,000 mga aklatan sa 172 mga bansa. Naglilista ang OCLC WorldCat nang higit sa 2 bilyong mga tala.
Bakit naiiba ang hitsura ng katalogo?
Kamakailan lamang ginawang magaling ang Katalogo ng FamilySearch para sa isang mahusay na karanasan ng tagatangkilik at upang magbigay kami ng isang napapanahong listahan ng mga talaan na magagamit sa mga sentro at mga aklatan sa sanlibutan. Para sa marami pang kabatiran, sumangguni sa lathalaing ito.
Bakit ko gagamitin ang Katalogo ng FamilySearch?
Nagbibigay daan ang Katalogo ng FamilySearch ang mga mananaliksik na madaling makuha ang kabatiran tungkol sa mga talang mula sa iba-ibang mga pagkukunan ng FamilySearch, ang lahat sa isang lugar.
Saan nagmula ang kabatiran sa Katalogo ng FamilySearch?
Ang kabatiran ng tala na natatagpuan sa katalogo ay nagmula sa iba-ibang mga pagkukunan, kabilang ang mga aklatan at mga sentro ng FamilySearch sa mundo at mga online na mga database ng talang FamilySearch.
Nakikita ba online ang lahat nang nasa katalogo?
Ang mga talaan na natatagpuan sa katalogo ay madalas na nakukuha sa pormang pisikal sa mga lokasyon ng FamilySearch o bilang mga salansan na digital online. Gayunpaman, ang ilang digital na nilalaman ay may kahigpitan sa pagkuha dahil sa mga obligasyong kontrata, batas sa kasarinlan ng mga datos, o itinakdang mga tiyak na pangangailangan ng mga taga-alaga ng mga talaan.
Paano ako magdaragdag ng isang sentro ng FamilySearch sa listahan sa katalogo?
Kung ang inyong sentro ng FamilySearch ay wala sa listahan ng mga sentro ng FamilySearch sa Katalogo ng FamilySearch, mangyaring makipag-ugnay sa Suporta ng FamilySearch upang hilingin na idagdag namin ang inyong sentro sa listahan.
Paano ako magbibigay ng puna tungkol sa karanasan ng tagagamit ng katalogo?
Upang magbigay ng puna sa FamilySearch tungkol sa paghahanap ng katalogo at karanasan ng tagagamit, mangyaring gamitin ang buton ng puna sa kaliwang tabi ng pahina. Inaasahan naming makarinig sa iyo.
Upang humiling ng pagwawasto sa mismong mga lagay sa katalogo, tingnan ang Paano ako hihiling ng pagwawasto sa Katalogo ng FamilySearch?
Upang humiling ng pagwawasto sa mismong mga lagay sa katalogo, tingnan ang Paano ako hihiling ng pagwawasto sa Katalogo ng FamilySearch?
Saan ko maaaring pag-aralan pa ang tungkol sa katalogo?
Upang pag-aralan pa ang tungkol sa Katalogo ng FamilySearch, dalawin ang Wiki sa Pananaliksik ng FamilySearch o makipag-ugnay sa Suporta ng FamilySearch.