
Maraming mga aklat na inilarawan sa Katalogo ng FamilySearch ay digital at makukuha online sa Aklatang Digital ng FamilySearch . Upang pumunta sa aklat na digital mula sa Katalogo, pindutin ang ugnay sa bahaging Mga Paalaala ng lagay ng Katalogo. Ang ugnay ay may tatak na “Upang tingnan ang isang digital na sipi ng bagay na ito, pindutin dito.”
Kung ang isang aklat ay wala sa aming aklatang digital, walang ugnay ang lumilitaw sa aklatang digital. Narito ang ilang mga mungkahi para sa pagkuha nito sa ibang paraan:
- Magbigay ng kahilingan upang gawing digital ang aklat. Mangyaring tandaan na ang ilang mga aklat sa aming koleksyon ay hindi maaaring gawing digital dahil sa karapatan-sa-sipi o ibang pambatas na mga paghihigpit. Kung maaari nating gawing digital ang aklat, hindi natin maaaring tasahan kung gaano katagal ang paggawa ng digital. Kung kailangan mong mas mabilis ang bagay na ito, subukan ang isa pang mga pagpipilian sa listahang ito.
- Dalawin ang Aklatang FamilySearch sa Salt Lake City, Utah, Estados Unidos upang tingnan ang tunay na sipi.
- Suriin ang pagkakaroon ng kabatiran sa Katalogo ng FamilySearch upang makita kung ang isang lokal na sentro ng FamilySearch ay mayroong aklat na ito. Ang koleksyon ng isang sentro ay maaaring magbago, at ang Katalogo ay maaaring walang pinakabagong kabatiran. Iminumungkahi namin na makipag-ugnay sa sentro upang mapatunayan na ang bagay ay nandoon pa bago maglakbay sa sentro upang magamit ito.
- Suriin ang OCLC WorldCat upang makita kung ang ibang aklatan ay mayroong sipi. Ang isang aklatan sa mga aklatang ito ay maaaring lumahok sa taga-hiram-na-aklatan o magbigay ng ibang mga paglilingkod na makatulong sa iyong gamitin ang kabatiran na nasa aklat.
- Kumuha ng iyong sariling sipi mula sa nagbebenta ng aklat o ibang pagkukunan. Maraming mga aklat sa Katalogo ng FamilySearch ay walang sipi o ang paglalathala ay limitado. Tiyaking suriin din ang mga nagbebenta ng bihira o gamit nang mga aklat.
Magkakaugnay na mga lathalain
Ang isang aklat na nabasa ko ay nawawala sa Aklatang Digital ng FamilySearch.
Paano ako maghahanap sa Katalogo ng FamilySearch para sa tala?
Maaari ko bang hilingin na gawing digital ng FamilySearch ang isang aklat?