Paano ako maghahanap sa Katalogo ng FamilySearch para sa mga tala?

Share
Tabing ng Pagsasaliksik sa Katalogo ng FamilySearch

Ang Katalogo ng FamilySearch ay isang malawak na gabay sa mga talaan ng angkan at mga pagkukunan na kinolekta ng FamilySearch. Ang katalogo isinasama ang mga materyales na magagamit sa mga aklatan at mga sentro ng FamilySearch sa mundo. Ang katalogo ay nagtatangi ng iba-ibang mga tala, tulad ng:

  • Mga tala sa kapanganakan, kasal, at kamatayan
  • Mga tala ng senso
  • Mga rehistro ng Simbahan
  • Mga aklat at mga peryodiko
  • Mga larawan at mga kasaysayan ng mag-anak
  • At marami pang ibang mga pagkukunan ng kabatiran ng angkan

Ang katalogo ay itatala ang madalas na magagamit sa mga pisikal na kaayusan at mga lugar ng FamilySearch o bilang mga salansan na digital online. Gayunpaman, ang ilang nilalaman na digital ay may paghihigpit sa paggamit dahil sa kinakailangan na kontrata, pansariling mga batas ng mga datos, o mga tiyak na pangangailangan na itinakda ng mga taga-alaga ng mga tala.

Magagamit din ang Katalogo ng FamilySearch sa pamamagitan ng OCLC WorldCat, isang pandaigdigang online na katalogo na kaugnay sa higit sa 72,000 mga aklatan sa 172 bansa, na naglalaman ng higit sa 2 bilyong pamagat.

Mga hakbang upang maghanap sa Katalogo (website)

  1. Lumagda sa FamilySearch.
  2. Pindutin ang Magsaliksik sa harang na menu sa tuktok ng pahina.
  3. Mula sa bagsak-baba na menu, piliin ang Katalogo.
  4. Ilagay ang mga detalye ng paghahanap. Upang simulan ang iyong paghahanap, gumamit ng isa o higit pang mga magagamit sa larangan ng paghahanap:
    • Lugar: Maghanap ayon sa isang lugar (tulad ng isang lungsod, bayan, o bansa). Magbigay ng sapat na kabatiran upang gawing makitid ang mga heograpiya na mga kinalabasan. Ang pagdaragdag ng isang bayan o lalawigan kasama ng isang pangalan ng lungsod ay madalas na tumutulong.
    • Mga Apelyido: Maghanap ayon sa apelyido. Kung may hangganan ang mga kinalabasan, subukan ang:
      • Isang saligang-salita sa paghahanap.
      • Ang isang may-akdang paghahanap ng mga talambuhay o sariling mga talambuhay.
      • Mga kahaliling pagbaybay ng pangalan.
    • Mga pamagat: Ilagay ang anumang bahagi ng isang pamagat sa anumang ayos.
    • May-akda: Maghanap ayon sa pangalan ng may-akda.
    • Mga Paksa: Maghanap para sa mga paksa sa paggamit ng mga saligang-salita. Para sa mas mahusay na mga kinalabasan, gumamit ng saligang-salita sa paghahanap kung kailangan.
    • Mga saligang-salita: Maghanap sa buong larangan tulad ng mga paalaala, serye, paksa, pamagat, may-akda, o mga pahayag ng pananagutan.
    • Bilang ng Tawag: Humanap ng isang tiyak na bilang ng tawag.
    • Bilang ng Pangkat ng Larawan (DGS) o Bilang ng Pelikula: Ilagay ang bilang nang walang mga nangungunang zero.
  5. Sariwain ang mga kinalabasan. Ilagay sa sala ang mga kinalabasan ng paghahanap sa paggamit ng mga pagpipilian sa Pagkakaroon
    • Upang tingnan lamang ang mga online na mga tala, pindutin ang Online.
    • Upang mahanap ang tala sa isang partikular na sentro ng FamilySearch o aklatan, pindutin ang Sentro ng FamilySearch , pagkatapos ay piliin ang lugar sa listahan. Kung wala sa listahan ang iyong sentro o aklatan, makipag-ugnay sa Suporta ng FamilySearch.
      • Mahalaga: Ang mga kinalabasan sa paghahanap para sa mga sentro ng FamilySearch ay maaaring hindi palaging sumasalamin sa kasalukuyang paggamit. Makipag-ugnay nang tuwiran sa sentro upang patunayan na mayroon pa rin silang mga materyales na kailangan mo bago dumalaw.
  6. Pindutin ang Magsaliksik.
  7. Kung kailangan, maaari mong muling gawin o ilagay sa sala ang iyong mga kinalabasan ng paghahanap:
  8. Tingnan ang mga kinalabasan.
  9. Upang magamit ang lagay ng Katalogo, pindutin isang bagay. Para sa karagdagang patnubay sa pagbabasa ng mga lagay ng Katalogo, tingnan ang lathalaing ito.

Mga Hakbang (mobile app)

Maaari mong gamitin ang katalogo sa isang kagamitang mobile sa paggamit ng isang web browser.  

Magkakaugnay na mga lathalain

Anong kabatiran ang nasa lagay ng Katalogo ng FamilySearch?
Paano ko gagamitin ang mga sala sa Katalogo ng FamilySearch?

Nakatulong ba ito?