Ano ang mga restriksyon sa larawan sa mga Rekord ng Kasaysayan?

Sa FamilySearch, may ilang larawan na may mga restriksyon o limitasyon na tumutukoy kung sino ang makakakita sa mga ito o kung saan ninyo makikita ang mga ito. Ang mga panauhin na walang mga kinakailangang pahintulot ay nakakakita ng icon ng restriksyon at isang mensaheng tulad ng “Hindi Maidispley ang Image Group.” Maaaring tingnan ng mga panauhin ang ilang larawan sa isang third-party na company site, ngunit kung minsan ay may bayad ito. Sa ilang pagkakataon, maaari kang magkaroon ng access sa pamamagitan ng pagbisita sa isang FamilySearch center o sa isang affiliate library. 

Narito ang listahan ng mga posibleng restriksyon na makikita mo habang ginagamit mo ang mga talaan ng kasaysayan.

Mensahe tungkol sa Status ng LarawanSino ang Maaaring Makakita ng Larawan
Walang maipakikitang larawanAng FamilySearch ay may index ng mga rekord na available. Maaaring nasa isa pang website ang mga larawan. 
Hindi Available ang Larawan—ay makikita pagkatapos mong i-klik para makita ang mga larawanAng mga larawan ay kasalukuyang hindi available para makita online. Karaniwang lumalabas ang mensahe kapag ang mga kapahintulutan para sa mga koleksiyon ng tala ay nagbago at hindi lahat ng mga bahagi ng FamilySearch ay na-update na. Bumalik paminsan-minsan para tingnan kung may mga larawan na.

Available na mga Larawan

Para makita ang mga larawang ito, gawin ang isa sa mga sumusunod:

  • I-access ang site sa isang FamilySearch center.
  • I-access ang site sa isang affiliate library.
Ang mga larawang ito ay makukuha sa FamilySearch. Mag-sign in sa isang FamilySearch center o affiliate library para makita ang mga ito.
Available na mga Larawan
Para makita ang mga larawang ito, gawin ang isa sa mga sumusunod:
  • I-access ang site sa isang FamilySearch center.
Ang mga larawan ay makukuha sa FamilySearch sa isang FamilySearch center. Mag-sign in sa isang FamilySearch center para makita ang mga ito.
Available na mga Larawan
Para makita ang mga larawang ito, gawin ang isa sa mga sumusunod:
  • Maaari mong makita ang larawang ito sa pamamagitan ng pagbisita sa isang site na Third-party na may suskrisyon o sa legal na record custodian (maaaring mayroong babayaran).
Ang mga larawan ay maaaring makuha sa isa o higit pang mga third-party site. 
  • Tingnan ang mga ito sa third-party site. Kung alam namin kung aling site ang may mga larawan, may makikita kang link ng mga ito. Kung hindi, saliksikin ang FamilySearch Research Wiki para makahanap ng source ng impormasyon.
Hindi Maidispley ang Image
Wala kang pahintulot na i-share ang image na ito. Ang access ay karaniwang pinagpapasiyahan ng lumikha ng talaan o ng custodian o ng mga batas sa data privacy.
Wala kang pahintulot na makita ang isa o higit pang mga larawan.
Hindi Mahanap ang Image Group
Hindi namin mahanap ang image group na ito.
Hindi makita ang larawan. Karaniwang ang sanhi nito ay ang invalid o putol na URL.
Hindi Mai-display ang Image Group
Subukang i-refresh ang page, o balikan mamaya.
Ang larawan ay hindi maipakita. Ang na-corrupt na browser cache ay maaaring naging sanhi ng problemang ito. Subukang i-refresh ang page, i-clear ang browser cache o cookies, o gumamit ng ibang browser. Kung walang gumana sa mga ito, subukang tingnan ang larawan kalaunan.

Kaugnay na mga artikulo

Paano ko tatanggalin ang lahat ng cookies at temporary files na naka-store sa aking internet browser?
Bakit may mga restriksyon sa pag-access sa mga Rekord ng Kasaysayan?
Ang aming affiliate library ay nangangailangan ng access sa mga larawang may restriksyon
Bakit nawala ang ilang rekord ng kasaysayan sa FamilySearch?

moduleTitle