Paano ko tatanggalin ang lahat ng mga kukis at mga pansamantalang mga salansan na itinago ng aking internet browser?

Sa kahabaan ng panahon, malaking cache ng pansamantalang salansan at mga kukis ay mabubuo at magkakaroon ng mga problema kapag ginamit mo ang FamilySearch website.

  • Ang kompyuter mo ay kusang lilikha ng pansamantalang salansan sa tuwing bubuksan mo ang pahinang web. Pananatilihin ng browser ang mga pansamantalang salansan na ito upang mabilis na makabalik ito sa kanila.
  • Ang mga kukis ay maliliit na mga piraso ng kodigo na itinago ng FamilySearch at ibang websites sa iyong kompyuter. Pinapayagan ng mga kukis ang FamilySearch na gawing sadya ang iyong karanasan para sa iyo.Para sa marami pang kabatiran tungkol sa mga kukis ng FamilySearch, pumunta sa ilalim ng pangunahing pahina ng FamilySearch, at pindutin ang Mga Gustong Kukis.

Tanggalin ang cache o kuki sa mga kalagayang ito:

  • Ang kompyuter mo ay hindi tumutugon ng mabilis at kakayahan.
  • Ang mga datos sa FamilySearch ay nagpapakitang mahina o talagang wala.

Mga Hakbang (website)

Kung tatanggalin mo ang lahat ng kukis, maaaring makaapekto ito sa iyong daan sa ibang mga website. Subukan muna ang mga hakbang na ito:

  1. Tiyaking gumamit ng itinaguyod na internet browser.
  2. Tanggalin lang ang mga kukis na ginagamit ng FamilySearch.
    1. Magpunta sa https://FamilySearch.org/cookies.
    2. Kapag ang mensahe ay Ilagak muli ang iyong kukis? ay lilitaw, pindutin ang Oo.
  3. Kung nangyayari pa rin ang mga problema, tanggalin ang lahat ng iyong pansamantalang mga salansan at mga kukis. Pagkatapos, muling buksan ang iyong kompyuter. Mangyaring saliksikin ang web para sa mga alituntunin para sa iyong tanging browser.
  4. Kung mayroon ka pa ring mga problema, tanggalin ang iyong kusang-buo na kasaysayan.Saliksikin ang web para sa mga alituntunin para sa iyong tiyak na browser.
  5. (Pagpipilian) Muling ilagak ang iyong mga gustong kukis sa FamilySearch.

Mga Hakbang (mobile apps)

Ang FamilySearch mobile apps ay hindi gumagamit ng mga kukis.

Kung ginamit mo ang FamilySearch.org website sa isang mobile na kagamitan sa pamamagitan ng isang browser, maaari mong tanggalin ang mga kukis ng browser.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Ang Family Tree LIte ay hindi nagbibigay ng pagpipilian upang matanggal ang mga kukis.

Mga tulong sa Pagsasaayos

Pinapayagan ka ng maraming mga browser ng internet na tanggalin ang mga pansamantalang file at cookies kapag pinindot mo ang tatlong keyboard key na ito nang sabay:

  • Ctrl+Shift+Del(Mga tagagamit ng Windows)
  • Cmd+Shift+Del(Mga tagagamit ng Mac).

Ang bawat browser ay pinangangasiwaan ang kumbinasyong ito nang bahagyang naiba.Maaar

ing gamitin ng mga gumagamit ng Safari (sa MAC OS Sonoma - ang kasalukuyang bersyon) ang mga hakbang na ito:

  1. Sa kaliwang gilid ng tabing, pindutin ang Safari.
  2. Sa menu na lilitaw, pumunta sa Clear History. Tandaan: Sa mas lumang bersyon ng Mac OS, i-click ang Mga Kagustuhan.
  3. Sa bintana na lumilitaw, pindutin ang Markang Pansarili.
  4. Pindutin ang buton na Pangasiwaan ang Mga Datos ng Website.
  5. Sa pop-up na bintana na lumilitaw, pindutin ang Tanggalin Ngayon.

Magkakaugnay na mga lathalain

Aling mga internet browsers ang tugma?
Paano ko ilalagay ang aking mga gustong kukis ?

Nakatulong ba ito?