Bakit mayroong mga hangganan sa paggamit ng mga talang pangkasaysayan?

Share

Karamihan sa mga hangganan sa paggamit ay nagmumula sa mga kapisanan na may-ari o namamahala ng mga orihinal na mga talang pangkasaysayan. Ang mga iba ay malamang na batay sa lokal na mga datos ng batas na pansarili. Ang mga hangganan ay nagpapasiya kung saan at kung paano maaaring gawin ng FamilySearch na magamit ang mga tala. Ginagawa namin ang aming makakaya upang suportahan ang mga kasunduang ito at mga pangangailangang-ligal upang mapanatili namin ang tiwala ng aming mga katuwang.

Maaari mong tiyakin kung ang isang talang nais mong makita ay may mga hangganan sa paggamit.

Mga hakbang

  1. Maghanap para sa isang talang pangkasaysayan.
  2. Sa mga kinalabasan ng paghahanap, isang markang kamera ang nagsasabi sa iyo na ang FamilySearch ay may mga larawan ng tala.
  3. Pindutin ang markang kamera. Kung ang larawan ay may mga hangganan sa panonood, isang mensahe ang nagpapaliwanag sa sitwasyon.
  4. Kapag nakatagpo ka ng isang talang may hangganan sa paggamit, narito ang ilang sa mga pagpipilian:
    • Sinasabi ng mensahe na ang mga larawan ay maaaring makita sa isang sentro ng FamilySearch o isang kaakibat na aklatan. Dalawin ang isang sentro o isang kaakibat na aklatan at gamitin ang isang kompyuter doon.
    • Subukang kunin ang tala mula sa isang website ng ikatlong-partido o sa pook ng may-ari ng tala. Sa ilang mga kaso, may bayad ito.

Magkakaugnay na mga lathalain

Ano ang mga paghihigpit sa mga larawan sa Talang Pangkasaysayan?
Saan ko mahahanap ang isang Sentro ng FamilySearch?

Nakatulong ba ito?