Humanap ng isang malapit na sentro ng FamilySearch sa iyo upang simulan ang iyong paglalakbay sa kasaysayan ng mag-anak. Maaari mong hanapin ang adres ng isang lokal na sentro sa aming website.
Ang mga lokal na boluntaryo sa mga sentro ng FamilySearch ay nagbibigay ng ibat ibang mga paglilingkod.
- Pansariling tulong tungkol sa kung paano magagamit ang FamilySearch at kung paano gumawa ng pagsasaliksik sa kasaysayan ng mag-anak.
- Mga kaloob sa paggamit ng mga kompyuter, internet, at mga gantimpalang mga website ng kasaysayan ng mag-anak. (Ang magagamit na pagkukunan ay iba-iba batay sa pook).
- Daan sa mga larawan ng mga talang pangkasaysayan na magagamit lamang sa mga sentro
Ang bawat sentro ay natatangi, ngunit lahat ay nagbibigay ng isang puwang upang pag-aralan pa ang tungkol sa iyong mga ninuno. Ang mga sentro ay nasa maraming uri ng mga gusali, tulad ng mga simbahan at aklatan.
Mga Hakbang (website)
- Pumunta sa Kagamitan na Taga-hanap ng Mapa ng Sentro ng FamilySearch.
- Sa kahon ng Pagsasaliksik, maglagay ng isang pook. Bilang kahalili, pindutin ang markang taga-hanap sa kanan ng kahon ng pagsasaliksik at hanapin ang iyong kasalukuyang pook.
Ipinapakita ng mapa ang pinakamalapit na 50 Sentro ng FamilySearch (o Mga kaanib) sa isang 50 pa-ikot-na-sukat sa inyong pook ng pagsasaliksik. - Lumilitaw ang Sentro ng FamilySearch sa mapa bilang luntian na punong mga pananda ng FamilySearch. Lumilitaw ang mga aklatang kaakibat bilang mga markang pulang aklat.
- Pindutin ang isang marka sa mapa, o pindutin ang isang sentro sa listahan.
- Pindutin ang markang bughaw na Karagdagang Kabatiran. Maaari mong makita ang pangalan ng sentro, adres, oras ng pagpapatakbo, at bilang ng telepono.
Mga Hakbang (mobile app)
Para sa Family Tree app:
- Sa isang kagamitang iOS, sa ibaba, pindutin ang Marami pa. Sa isang kagamitang Android, sa itaas, pindutin ang markang 3 guhit.
- Pindutin ang Tulong.
- Pindutin ang Humanap ng isang Sentro ng FamilySearch.
- Kung nakakakita ka ng kahilingan na “Payagan ang Family Tree na gamitin ang iyong pook”, pindutin ang Payagan ng Minsan, payagan Habang Ginagamit ang App, o Huwag Payagan. Kung ayaw mong payagan ang app na gamitin ang iyong pook, lumundag sa hakbang 6.
- Ang mapa ng kasalukuyan mong kinaroroonan ay lumilitaw. Upang makita ang kabatiran ng sentro, pindutin ang isang markang luntian sa mapa.
- Upang humanap ng ibang sentro, sa ibaba ng tabing, hanapin ang larangan ng pagsasaliksik na Ilagay ang Pook. Maglagay ng isang pook.
Kumuha ng tulong
Kontakin ang FamilySearch sa ganitong mga kalagayan:
- Naghahanap ka para sa isang tiyak na sentro ng FamilySearch at hindi mo mahanap.
- Ang kabatiran ng kontak para sa isang sentro ay mali.