Paano ako kukuha ng tulong sa paggamit ng FamilySearch.org?

Ang pahina ng Tulong at Pag-aaral ng FamilySearch, ay tumutulong sa iyo na gamitin ang aming website at mobile apps at itinuturo sa iyo kung paano gumawa ng pagsasaliksik sa angkan.

Mga Hakbang (website)

    1. Sa tuktok ng alinmang pahina, pindutin . Ang tabing ng Tulong ay lilitaw.
  1. Kung ang katanungan mo ay hindi nakalista, ilagay ang iyong katanungan sa larangan ng pagsasaliksik sa tuktok ng Tulong na tabing.
  2. Kung hindi mo mahanap ang kasagutan sa iyong katanungan, gamitin ang isa sa mga pagpipilian na nakalista sa ilalim ng Tulong na tabing.
    • Tulong at Pag-aaral. Hanapin ang aming mga pagkukunan ng tulong, humanap ng taong katulong, alamin kung paano magsimula, o dalawin ang Komunidad ng FamilySearch.
    • Kontakin Kami. Kontakin ang Suporta ng FamilySearch.
    • Komunidad. Makipagtulungan sa ibang mga tagagamit ng FamilySearch at mga mananaliksik. Maaari kang mag-tingin-tingin, magtanong, o sagutin ang mga tanong. Maaari ka ring humanap at sumali sa mga pangkat sa tiyak na mga paksa.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Sa Family Tree mobile app, pindutin ang 3 guhit, at pagkatapos ay pindutin ang Tulong
    • Madalas na mga Katanungan. Tingnan ang karaniwang katanungan at mga kasagutan.
    • Kontakin Kami. Bigyan ng puna ang app o makipag-ugnay sa Suporta ng FamilySearch.
    • Humanap ng isang ng Sentro ng FamilySearch Humanap ng isang sentro na malapit kung saan ka makakakuha ng tulong.
    • Ano ang Bago. Tingnan ang kamakailan na paglagay-sa-panahon para sa Family Tree mobile app.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Mag-balumbon sa ibaba ng anumang pahina sa Family Tree Lite, at pindutin ang Puna at Suporta.

Ang Gabay sa FamilyHistory ay isang karagdagang pagkukunan para sa tulong sa FamilySearch.org. Ang patnubay ay naglalaman ng libreng mga aralin sa paggamit ng FamilySearch.org website at sa mga paksang nauugnay sa family history at angkan. Ang nilalaman ay ipinagkaloob ng isang kasosyo ng FamilySearch. Ang gabay ay isinulat sa Ingles at makukuha sa ibang mga wika sa Google Translate.

Magkakaugnay na mga lathalain

Saan ko hahanapin ang isang sentro ng family history?
Paano ako tutulungan ng FamilySearch Research Wiki na mahanap ang aking mga ninuno?

Nakatulong ba ito?