Bakit ang ilang mga pelikulang katalogo ay hindi na-indeks?

Share

Ginawang digital ng FamilySearch ang lahat ng mga microfilms sa Granite Mountain Records Vault. Ang paggawa ng digital ay mas mabilis na nangyari kaysa sa pag-indeks ng mga indekser. Bilang kinalabasan, hindi lahat ng mga talang ginawa na digital ay mayroong mga indeks. Karamihan sa mga talang hindi na-indeks ay makukuha para sa mga tagatangkilik upang makita.

Mga Hakbang (website)

  1. Lumagda sa FamilySearch.org Sa harang na menu sa tuktok ng tabing, pindutin ang Magsaliksik.
  2. Pindutin ang Katalogo.
  3. Maghanap ayon sa lugar, apelyido, pamagat, may-akda, paksa, o mga saligang-salita.
  4. Sa mga kinalabasan ng pananaliksik, pindutin ang bagay o kategoriya ng bagay na gusto mong matingnan.
  5. Kapag nahanap mo ang talang gusto mong makita, mag-balumbon pababa sa bahaging Mga Paalaala na Pelikula/Digital kung mayroon.
  6. Sa haliging kaayusan, hanapin ang kamera na marka o kamera na markang may susi. Ang markang susi ay nangangahulugang may mga paghihigpit sa pagtingin sa bagay. Kung ang markang kamera ay nawawala, ang bagay ay wala sa online.
  7. Upang tignan-tignan ang mga larawan, pindutin ang markang kamera. Kung ang mga kahigpitan ay lapat sa mga larawan, makikita mo ang isang mensaheng ipinapaliwanag ang kahigpitan.
  8. Ang maliliit na mga larawang ay lumilitaw sa tabing.
  9. Pindutin ng dalawang beses ang larawan upang mapalaki ito.

Mga Hakbang (mobile app)

Sa kasalukuyan, ang katangian na Katalogo ay hindi magagamit sa Family Tree mobile app.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Sa kasalukuyan, ang katangian na Katalogo ay hindi magagamit sa Family Tree Lite.

Magkakaugnay na mga lathalain

Ano ang Mga Paalaala o Pelikula/Digital na Mga Paalaala sa katalogo?
Paano ko hilingin na ilagay sa kompyuter ang microfilm?

Nakatulong ba ito?