Paano ko gagamitin ang listahang sulat sa Katalogo ng FamilySearch?

Share
Ipinapakita ng isang simpleng kuha sa tabing ang Listahan ng Sulat na Katalogo ng FamilySearch.

Ang listahang sulat ng Katalogo ng FamilySearch ay isang may pakinabang na kasangkapan na nagbibigay-daan sa iyo na:

  1. Ipunin ang mga lagay para magamit balang araw. Idagdag ang mga lagay na Katalogo sa iyong listahan upang gawing sangguni ang mga ito balang araw." Bawat naipon na lagay ay naglalaman ng pamagat, may-akda, at bilang ng tawag.
  2. Isulat ang iyong naipon na mga lagay. Isulat ang iyong listahan upang madaling hanapin ang pisikal na mga kopya ng mga kasangkapang nasa Aklatan ng FamilySearch o sentro ng FamilySearch.
  3. Lagyan ng markang-aklat ang mga partikular na lagay. Gamitin ang iyong listahan online upang mabilis na bumalik sa mga lagay sa Katalogo. Para sa mga na-digitized na bagay, maaari mong pindutin ang pamagat upang tingnan nang tuwiran ang nilalaman.

Mga hakbang upang gamitin ang listahang sulat (website)

  1. Upang matiyak na naipon ang iyong listahang sulat, lumagda sa FamilySearch.
  2. Sa tuktok ng tabing, pindutin ang Magsaliksik.
  3. Mula sa bagsak-baba na menu, piliin ang Katalogo.
  4. Ilagay ang iyong mga katawagan sa paghahanap at pindutin ang Magsaliksik.
  5. Sa kanan ng pamagat na lagay, pindutin ang Magdagdag.
  6. Ulitin ang proseso ng paghahanap at pagdaragdag para sa lahat ng mga bagay na gusto mo sa iyong listahan.
  7. Upang tingnan ang iyong listahan, pindutin ang Listahan ng Sulat na Katalogo mula sa pahina ng mga kinalabasan sa pagsasaliksik o sa isang lagay ng Katalogo

    • Upang makita ang buong detalye ng isang lagay, pindutin ang pamagat.
    • Upang alisin ang isang bagay mula sa listahan, pindutin ang Tanggalin.
    • Upang linisin ang buong listahan, pindutin ang Tanggalin Lahat sa Listahan.
  8. Upang isulat ang iyong listahan, sa kanang tuktok ng listahan, pindutin ang bughaw na buton na Isulat.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko hahanapin ang Katalogo ng FamilySearch para sa mga tala?
Anong kabatiran ang nasa lagay ng Katalogo ng FamilySearch?

Nakatulong ba ito?