
Ang Katalogo na FamilySearch ngayon ay gumagamit ng parehong pamantayang pangalan ng lugar na ginamit sa Family Tree, paghahanap ng talang pangkasaysayan, at ibang mga pook sa lugar . Ang pagbabagong ito ay tumutulong na matiyak ang isang pare-pareho at matatag na paraan upang ipakita ang kabatiran ng lugar. Sapagkat ang mga pangalan ng lugar sa sanlibutan ay nagbabago sa paglipas ng panahon, ang mga pamantayang ito ay karaniwang inilalagay-sa-panahon upang mapanatiling tumpak at nauugnay ang kaparaanan.
Paano nakakaapekto ang mga pamantayang pangalan ng lugar sa mga paghahanap sa Katalogo,
Ang mga pamantayang pangalan-lugar ay maaaring makaapekto sa paraan ng iyong paghahanap at tinitingnan ang mga lagay sa katalogo:
- Iba-ibang pag-tanghal sa mga pangalan. Ang ilang mga lugar ngayon ay inilagay-sa-panahon ang pag-tanghal sa mga pangalan o pangkat-pangkat sa loob ng mas malalaking rehiyon. Maaaring kailanganin mong gumawa ng dagdag na klik o dalawa upang mahanap ang ninais na mga kinalabasan ng paghahanap. Ilang mga halimbawa:
- Ang ilang mga pangalan ng lugar ay maaaring ipakita nang iba-iba. Halimbawa, ipinapakita ngayon ang Aalborg, Denmark bilang Ålborg.
- Ang ilang mga pangalan ng lugar ay ipinapakita ngayon sa kani-kanilang katutubong wika sa halip na Ingles. Ipinapakita ngayon ang Copenhagen bilang København.
- Parehong lugar, maraming mga pangalan. Ang isang lugar ay maaaring magkaroon ng maraming mga pangalan. Ang isyung ito ay laganap lalong-lalo na sa mga pangalan ng lugar na nagbago sa paglipas ng panahon, tulad ng Russia; Russian Empire; at Soviet Union, Russia.
- Nawawalang mga lugar: Ang ilang mga lugar mula sa nakaraang katalogo ay maaaring hindi pa lumilitaw sa aming mga pamantayang lugar. Karamihan sa mga lugar na ito ay kasalukuyang sinusuri at idinagdag. Maaari mong imungkahi ang isang bagong lugar na idagdag.
- Pinagsamang mga kinalabasan. Ang ilang mga lugar ay pinagsama. Halimbawa, ang paghahanap sa Tsina sa Ingles ay nagbalik ng 154 na kinalabasan. Ang paghahanap para sa 中文 ay nagbalik ng 96 na magkakaibang kinalabasan. Ngayon, ang paghahanap para sa alinmang lugar ay ibinabalik ang lahat ng 250 mga kinalabasan.
Mga pakinabang sa paggamit ng mga pamantayang pangalan ng lugar sa Katalogo ng FamilySearch
Ang paggamit ng mga pamantayang pangalan ng lugar sa Katalogo ng FamilySearch ay nagbibigay ng ilang mga pakinabang:
- Mahusay na katumpakan. Ang mga pagsasaliksik ngayon ay nagbabalik ng mas tumpak na mga kinalabasan, na mas mahusay na kaayusan para sa madaling paggamit. Halimbawa, ang isang pagsasaliksik para sa “Tsina” ay kinabibilangan na ngayon ng mga kinalabasan sa parehong Ingles at Intsik.
- Mahusay na kakayahang magamit. Sa darating na mga buwan, gagawin naming isang koleksyon ang paglitaw ng mga digital, larawan, at pisikal sa iyong karanasan sa pagsasaliksik.
- Hindi na kailangan ang mga taga-tingin. Hindi mo na kailangan ang daan sa mga taga-tingin na pangkasaysayan upang kilalanin ang mga lugar sa lumang katalogo. Hindi mo na kailangang malaman kung aling mga taga-tingin ang orihinal na ginamit. Upang humanap ng isang modernong pangalan ng lugar na tugma sa isang kasaysayan, gamitin ang Mga Lugar ng FamilySearch.
Kung hindi mo mahanap ang isang lugar sa Katalogo ng FamilySearch
Narito ang ilang mga istratehiya para sa paghahanap ng pamantayang pangalan ng lugar sa bagong katalogo kapag dati mo itong hinahanap sa ilalim ng ibang pangalan sa lumang katalogo:
- Ilagay ang modernong sipi ng pangalan ng lugar. Halimbawa, mahahanap mo ang Austria, Slavonien, Esseg sa pamamagitan ng paglagay sa makabagong katumbas nito, Croatia, Osijek-Baranja, Osijek. Ang Mga Lugar ng FamilySearch na kagamitan ay may pakinabang para sa pag-alam ng ganitong uri ng kabatiran.
- Gamitin ang saligang-salita sa pagsasaliksik sa halip ng pagsasaliksik ng lugar. Kung ang lumang lugar ay ginamit sa pamagat o ibang bahagi ng lagay sa katalogo, maaari itong lumabas kasama ang paghahanap ng saligang-salita.
- Isa-alang-alang ang pagkakasunod-sunod ng pag-uri. Tingnan ang FamilySearch Research Wiki upang malaman kung paano maaaring mag-uri-uri ng mga pangalan ng lugar. Ang isang pangalan na dating lumitaw sa kalapit na tuktok ng mga kinalabasan sa pagsasaliksik ay maaaring sa dulo mag-uri.
- Isa-alang-alang ang ibang mga sipi ng pangalan-lugar. Ilagay ang pangalan sa Mga Lugar na FamilySearch. Pagkatapos ay mag-balumbon pababa at tingnan ang bahaging Mga Pangalan at Kaugnay na mga Lugar upang humanap ng ibang mga paraan na maaaring ilista sa katalogo. Hanapin kung paano isinulat ang pangalan sa sarili nitong wika, mga sakop ng makabagong-panahon, at iba pa.
Pinahahalagahan namin ang iyong katugunan
Ang iyong inilagay ay tumutulong sa amin na gawing pino at pagbutihin ang Katalogo ng FamilySearch. Pagkatapos ilagay ang iyong mga katawagan sa pagsasaliksik, hanapin ang buton ng Puna sa kanang ibabang sulok ng pahina ng mga kinalabasan ng pagsasaliksik. Pindutin ang buton upang magtanong o ibahagi ang iyong mga saloobin. Pinahahalagahan namin ang iyong katugunan at umaasang makarinig sa iyo.
Magkakaugnay na mga lathalain
Paano ako maghahanap sa Katalogo para sa mga tala?
Anong kabatiran ang isinama sa Katalogo?
Paano ko imungkahi ang bagong lugar sa mga Lugar na FamilySearch
Paano ko gagawing tama o ayusin ang isang lugar sa mga Lugar na FamilySearch?