Paano ko aayusin ang mga datos na inindeks ng kompyuter?

Kung ang mga datos sa isang talang pangkasaysayan ay inindeks ng kompyuter, makikita mo ang tatak na " Computer Indexed Data" kapag sinimulan mo ang paraan sa pagsasa-ayos. Mahalagang makilala ang tatak na ito, dahil ang mga alituntunin para sa pagsasa-ayos ng na-indeks na mga datos ng isang tao ay iba.

Para sa tulong sa pagsasa-ayos ng mga datos na na-indeks ng isang tao, tingnan ang Paano ko iwawasto ang mga maling indeksing sa mga talang pangkasaysayan?

Saan magsisimula

Ang paraan para sa pagsasa-ayos ng mga datos na inindeks ng kompyuter ay nagsisimula sa pahina ng Mga Detalye ng Tala.

  1. Sa pahina ng Mga Detalye ng Tala, pindutin ang Edit.
  2. Ang panig sa kanan ay naglalantad sa mga pangalan ng mga taong binanggit sa tala. PIndutin ang pangalan ng taong ang mga datos ay nangangailan ng pagsasa-ayos.
  3. Pindutin ang Edit.

Pag-unawa sa nakikita mo sa tabing

Ang editing screen ay hinati sa dalawang bahagi.

  • Ang bahagi sa kaliwa ay nagpiprisinta ng digital image ng talang pangkasaysayan. Ang asul na mga highlight ay ipinapahiwatig ang mga salita o pariralang naindeks ng kompyuter.
  • Ang bahagi sa kanan ay nagpiprisinta sa mga datos na naindeks at mga pamilian para sa pagsasa-ayos nito.
  • Ang bawa't linang ng mga datos ay tumutugma sa isa o higit pang asul na mga highlight. Sa ibang salita, kung ang linang para sa Unang Pangalan ay pinalawak, magkakaroon ng asul na highlight ang larawan sa pangalan na naindeks.
  • Kapag pinindot mo ang isang partikular na linang, isang puting rektanggulo ang lilitaw sa salitang may highlight na pinili ng kompyuter para maindeks. Sa mga kasong tiyak, ang kompyuter ay maaaring pumili ng maling salita o basahin ito ng mali.

Pag-unawa sa iba't ibang uri ng kamalian

Makakagawa ng iba't ibang uri ng kamalian ang kompyuter. Mahalagang maunawaan ang mga kamaliang ito at ang pangkalahatang paraan para sa pagwawasto sa mga ito.

Kamalian: hinay-light ng kompyuter ang wastong mga datos, nguni't itinala ito ng mali.

Ang isang halimbawa ay maaaring ang pangalang mali ang pagkabaybay sa linang ng mga datos. Upang maisaayos ang kamaliang ito:

  1. Patibayan na ang wastong salita o parirala ay may highlight na asul at binalangkas sa puting rektanggulo.
    • Ito ay magagawa sa pagpindot sa linang ng mga datos at saka pagmamasid sa asul na mga highlight at puting rektanggulo sa larawan sa kaliwa.
  2. Kung kinilala ng kompyuter ang tamang salita, ayusin ang linang ng mga datos kung kailangan, at ipunin.

Kamalian: Iniwan ng kompyuter na blangko ang linang ng mga datos.

  1. Magdagdag ng asul na highlight sa salitang dapat na naindeks.
  2. Ilapat ang puting rektanggulo upang tumugma ito sa wastong linang ng mga datos.
  3. Ilagay ang wastong mga datos sa linang.

Kamalian: Kinilala at inindeks ng kompyuter ang maling mga datos.

  1. Magdagdag ng asul na highlight na kailangan.
  2. Ilapat ang puting rektanggulo sa larawan upang tumugma sa wastong linang ng mga datos.
  3. Ilagay ang wastong mga datos sa linang.

Paglapat sa puting rektanggulo

Kapag pinindot mo ang isang partikular na linang ng mga datos, isang puting rektanggulo ang dapat na lumitaw bilang balangkas sa paligid ng isa o higit pang asul na mga highlight. Ipinapakilala nito ang salita o parirala sa larawang tumutugma sa linang ng mga datos.

Sa ilang mga kaso, ang puting rektanggulong ito ay maaaring nawawala. O maaaring kinikilala ang maling mga datos. Narito kung paano maaayos ito:

  1. Pindutin ang linang at ayusin ang itinalang mga datos kung kailangan.
  2. Sa ibaba ng linang, pindutin ang Edit Highlight.
  3. Sa larawan sa kaliwa, hanapin ang tumutugma sa puting rektanggulo.
    • Tanggalin ang pagpipili sa puting rektanggulo sa pagpindot sa berdeng checkmark.
    • Lumikha ng isang bagong puting rektanggulo sa paglipa-lipad ng daga sa tamang salita o mga parirala at pagpipindot.
    • Paalaala: Sa yugtong ito, maaari mo lang piliin ang mga datos na kasalukuyang may highlight.

4. Pindutin ang Save Changes.

Pagdagdag ng asul na highlight sa larawan

Sa ilang mga kaso, kakailanganin mong i-highlight ang mga datos bago ka makapili.

  1. Pindutin ang linang at ayusin ang itinalang mga datos kung kailangan.
  2. Sa ibaba ng linang, pindutin ang Add Highlight.
  3. Sa tuktok ng larawan, pindutin ang Create Highlights.
  4. Palipad-liparin ang daga sa salitang kailangang i-highlight, saka pindutin at kaladkarin hanggang sa salita ay na-highlight ng buo.
    • Paalaala: Pagkatapos ng pagha-highlight sa isang partikular na salita, marahil kailangan mong magdagdag ng puting rektanggulo upang maikonekta ang highlight sa isa sa mga linang ng mga datos. Ito ay magagawa sa pagpipindot lang ng salita pagkatapos na lagyan mo ng highlight.
  5. Basahin ang unang udyuk at pindutin ang Done upang mapatibayan.
  6. Basahin ang ikalawang udyuk at pindutin ang Done upang mapatibayan.
  7. Pindutin ang Save Changes .

Magkakaugnay na mga Lathala

Paano ko iwawasto ang mga kamaliang indeksing sa mga talang pangkasaysayan?
Paano ko idaragdag o tatanggalin ang mga highlight sa isang talang pangkasaysayan?
Paano ko tatanggalin ang isang pangalang na-indeks ng mali ng kompyuter?
Paano ko idaragdag o tatanggalin ang mga linang ng mga datos sa isang na-indeks na tala ng isang kompyuter?
Bakit hindi ko maareglo ang mga indeksing o mga kamaliang transkripsiyon?

Nakatulong ba ito?