Iwasto o magdagdag ng isang kaugnayan kapag ang isang pangalan ay nasa ibang larawan sa talang pangkasaysayan

Share

Ang FamilySearch ay lumilipat sa isang bagong tabing para sa pag-ayos ng mga tala. Tinutulungan ka ng mga alituntunin na kilalanin kung aling tabing ang nakikita mo.

Magsimula mula sa pahina ng mga detalye ng tala:

  • Mula sa isang listahan ng mga kinalabasan sa pagsasaliksik, pindutin ang marka na mukhang isang pilyego ng papel na may guhit.
  • Mula sa isang balangkas ng Family Tree, pindutin ang markang Mga Pagkukunan, pagkatapos ay pindutin ang ugnay sa tala na nais mong ayusin.

Mga hakbang (website o mobile app)

  1. Sa tuktok ng pahina ng mga detalye ng tala, pindutin ang Ayusin.
    • Ang mas lumang tabing sa pag-ayos ay nagsisimula sa isang kahon na lumilitaw na may mga buton para sa mga pag-ayos. Kung nakikita mo ang lumilitaw na kahon, itigil ang pagsunod sa mga alituntunin na ito at sa halip ay pindutin ang ugnay na ito: Paano ko gagawing wasto ang mga kamalian sa salin sa bahagyang na-ayos na mga koleksyon ng tala?
    • Ang bagong bersyon ay magbubukas sa isang bagong tabing na may larawan ng tala sa kaliwa at isang panig ng pagsalin sa kanan. Kung nakikita mo ang larawan at panig, magpatuloy sa Hakbang 2.
  2. Pindutin ang markang lapis sa tabi ng Mga Kaugnayan.
  3. Upang baguhin ang baybay ng isang pangalan, pindutin sa larangan na naglalaman ng pangalan. Gumawa ng kinakailangang mga pagbabago, pagkatapos ay pindutin ang Ipunin ang Mga Pagbabago.
  4. Upang tanggalin ang isang hindi tumpak na kaugnayan, pindutin ang Magdagdag Pa ng Kabatiran. Sa tuktok, makikita mo ang Mga Larangan na Idinagdag. Sa kanan ng kaugnayan na nais mong tanggalin, pindutin ang X. Pindutin ang Ilagay-sa-panahon
  5. Upang magdagdag ng isang kaugnayan, pindutin ang Magdagdag Pa ng Kabatiran. Pindutin ang kaugnayan na nais mong idagdag. Pindutin ang Ilagay-sa-panahon.
  6. Sa kanan ng markang bombilya, pindutin ang maliit na palaso na pababa.
  7. Mag-balumbon sa “3. Ang kabatiran ba ay nasa ibang pahina”, at pindutin ang Buksan ang Paraan ng Hinati-na-Tabing.
  8. Sa kaliwa ng kasalukuyang larawan, makikita mo ang mga maliliit na larawan ng ibang mga pahina ng talang nakatakda. Ang pahina na kinaroroonan mo ay nakabalangkas sa asul. Pindutin ang larawan bago o pagkatapos ng kasalukuyang larawan.
  9. Mag-balumbon pataas sa panig ng pag-sasa-ayos ng bagong idinagdag na larangan at pindutin dito. Lumilitaw ang isang listahan ng mga pangalan. Mag-balumbon sa Mga Pangalan sa Hinati-na-Tabing.
  10. Hanapin at pindutin ang tamang pangalan para sa kaugnayan.
  11. Patunayan na ang kaugnayan ay mukhang tama at pindutin ang Susunod.
  12. Repasuhin ang kaugnayan at pindutin ang Pumayag.
  13. Sa tabing ng pag-ayos, pindutin ang Ipunin.

Magkakaugnay na mga lathalain

Pahina ng Bagong Mga Tala: Paano ko maaayos ang mga datos na hindi wasto ang pagsalin o na-indeks?
Paano ko gagawing wasto ang mga kaugnayan sa pagsalin ng isang talang pangkasaysayan?
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng isang tala at isang larawan?
Paano ako magdaragdag ng isang pangalan sa isang kaugnayan sa mga talang pangkasaysayan kapag ang pangalan ay kasalukuyang konektado sa maling tala?
Paano ko aayusin ang isang nakaugnay na apelyido sa indeks ng 1950 US Senso?
Ano ang pangunahing pangalan sa isang talang pangkasaysayan?

Nakatulong ba ito?