Paano ako magdaragdag o mag-aalis ng kabatiran sa isang talang indeks?

Share

Kapag tinitingnan mo ang indeks ng isang talang pangkasaysayan, maaari mong matuklasan na kailangan pa ng karagdagang kabatiran. O makikita mo ang kabatiran na nais mong tanggalin. Magdagdag o mag-alis ng kabatiran habang ginagawa mong mas mabuti ang katumpakan ng indeks.

Bago ka magsimula

Pasyahan kung pinapayagan ka ng indeks na magdagdag o mag-alis ng kabatiran. Mula sa isang pahina ng mga detalye ng tala (ang pahina na nagpapakita ng na-indeks na kabatiran), pindutin ang Ayusin.

  • Kung kulay-abo ang buton na Ayusin, hindi mo maaaring ayusin ang indeks.
  • Kung nakikita mo ang isang kahong pop-up at ilang mga Ayusin na buton, hindi ka maaaring magdagdag o mag-alis ng kabatiran.
  • Kung lumilitaw ang isang bagong tabing kasama ang larawan ng tala, maaari kang magdagdag o mag-alis ng kabatiran. Magpatuloy sa mga hakbang.

Mga Hakbang (website o mobile)

  1. Sa tuktok ng pahina ng mga detalye ng tala, pindutin ang Ayusin.
  2. Sa kanang bahagi ng panig, hanapin ang bahaging nais mong magdagdag o mag-alis ng isang larangan. Pindutin ang markang lapis.
  3. Upang alisin ang kabatiran, pindutin ang ugnay na Tanggalin na tuwirang nasa ilalim ng bagay na nais mong alisin. Pagkatapos ay pindutin ang Ipunin.
    Halimbawa, nakikita mo ang pangalan nang higit sa isang beses sa indeks. Sa ibaba ng ibinigay na larangan ng pangalan at apelyido, hanapin at pindutin ang Tanggalin ang Pangalan.
  4. Upang magdagdag ng kabatiran o alisin ang ilan sa mga na-indeks na mga larangan, hanapin at pindutin ang Magdagdag Pa ng Kabatiran.
    • Pindutin ang anumang mga larangan na nais mong idagdag.
    • Pindutin ang X sa mga larangan na nais mong alisin.
  5. Pindutin ang Ilagay-sa-Panahon.
  6. Kung nagdagdag ka ng isang larangan, maaari ka na ngayong maglagay ng kabatiran sa bagong larangan.
  7. Pindutin upang Magdagdag ng Marka.
  8. Pindutin ang Bagong Marka
  9. Pindutin at hilahin ang marka sa kabatiran sa larawan ng tala.
  10. Pindutin ang Ilagay-sa-Panahon.
  11. Pindutin ang Ipunin.
Nakatulong ba ito?