Paano ko tatanggalin ang isang tao sa Family Tree?

Share

Bago ka magsimula

Maaari mong tanggalin ang isang pangalan sa Family Tree sa ilalim ng mga pangyayaring ito:

  • Ang tao ay patay; nilikha mo ang balangkas; walang ibang taga-ambag ang nagbago nito.
  • Ang balangkas ay para sa isang taong buhay na idinagdag mo sa Family Tree.

Ang mensahe na “Bakit hindi ko matanggal ang taong ito? ang kahulugan nito ay hindi mo maaaring tanggalin ang pangalan. Lumilitaw ang mensahe kapag na-ayos ng isang taga-ambag ang balangkas.

Kung hindi mo maaaring tanggalin ang isang tala, mangyaring huwag alisin ang kabatiran upang itago ito. Sa halip, makipag-ugnay sa Suporta ng FamilySearch.

Kung nakakahanap ka ng isang balangkas na binago ng iba upang itago ang tala, mangyaring gamitin ang katangian na “Iulat ang Abuso”. Maaaring repasuhin ng isang panloob na koponan ang pangyayari at gumawa ng angkop na aksyon.

Ano ang inaasahan

Kapag tinanggal mo ang isang tao, ang mga pagbabagong ito ay mangyayari:

  • Tinatanggal ng Family Tree ang anumang mga kaugnayan sa ibang mga tao.
  • Walang sinuman ang maaaring magbago sa balangkas.
  • Maaari mo lamang hanapin ang tao sa pamamagitan ng bilang ng ID.

Pinapayagan ka ng Pinakahuling Pagbabago na ibalik ang isang tinanggal na balangkas o kaugnayan.

Mga Hakbang (website)

  1. Lumagda sa FamilySearch, at pindutin ang FamilyTree. Pagkatapos ay pindutin ang Puno.
  2. Hanapin ang balangkas na nais mong tanggalin.
  3. Pindutin ang pangalan. Sa mga detalye na lumalabas, pindutin muli ang pangalan.
  4. Pindutin ang Markang mga detalye.
  5. Sa kanan, hanapin ang Mga kagamitan.
  6. Pindutin ang Tanggalin ang Tao. Kung ang Tanggalin ang Tao ay abo, isa-alang-alang ang mga panghaliling ito:
    • Kung ang tao ay hindi kailanman umiral, kontakin ang Suportang FamilySearch.
    • Tanggalin ang mga kaugnayan.
    • Pagsamahin ang dobleng mga tala.
    • Baguhin ang maling mga datos.
    • Magdagdag ng kabatiran ng pagkukunan.
  7. Repasuhin ang kabatiran sa bintana ng Tanggalin ang Tao.
  8. Magbigay ng isang dahilan na nais mong tanggalin ang balangkas.
  9. Upang isaad na sinuri mo muli ang mga ugnayan at nagsama ng isang pahayag na dahilan, lagyan ng tsek ang mga kahon.
  10. Pindutin ang Tanggalin.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Sa Family Tree mobile app, mag-layag sa pahina ng Tao ng tao na nais mong tanggalin ang tala.
  2. Sa kanang tuktok na bahagi ng tabing, pindutin ang 3 tuldok.
    • Android: Pindutin ang Tanggalin ang Tao.
    • Apple iOS: Pindutin ang Higit pa, at pagkatapos ay pindutin ang Tanggalin ang Tao.
    • Kung nakakakuha ka ng mensahe na hindi mo maaaring tanggalin ang balangkas, maaari kang magbigay ng kahilingan sa Suporta ng FamilySearch.
  3. Repasuhin ang kabatiran sa bintana ng Tanggalin ang Tao.
  4. Maglagay ng isang pahayag na dahilan.
  5. Pindutin ang Tanggalin.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Ang Family Tree Lite ay hindi nagbibigay ng pagpipilian upang tanggalin ang isang balangkas ng Family Tree.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko ibabalik ang tinanggal na tala para sa isang tao sa Family Tree?
Paano pangangalagaan ng Family Tree ang kasarinlan ng mga taong buhay?
Paano ko isasama ang mga maaaring kopya sa Family Tree?
Paano ko isasama ang mga kopya ng buhay o mga lihim na mga taong idinagdag ko sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?